Ang mga nakaligtas na nag-apply para sa tulong mula sa FEMA pagkatapos ng Bagyong Idalia ay tatanggap ng liham mula sa FEMA na nagpapaliwanag ng katayuan ng iyong aplikasyon. Ang mga nakaligtas na hindi sumasang-ayon sa desisyon ng FEMA ay maaaring mag-apela. Basahin nang mabuti ang liham dahil ipinapaliwanag nito ang dahilan para sa pagtatanggi at kung ano ang maaaring kailanganing isumite kasama ang liham ng apela.
Ang Proseso ng Apela
Para mag-apela, dapat kang magsumite ng isang pinirmahang liham na nagpapaliwanag kung bakit ka hindi sumasang-ayon sa desisyon ng FEMA’s at nagbibigay ng karagdagang impormasyon o dokumento na suusuporta sa iyong apela. Ang apela ay dapat isumite sa loob ng 60 araw mula sa petsa na nakalagay sa liham ng pagiging karapat-dapat. Mangyaring isama ang mga sumusunod:
- Buong pangalan ng aplikante, pangunahing address bago ng sakuna, kasalukuyang address at kasalukuyang numero ng telepono
- 9-digit na numero ng aplikasyon sa FEMA ng aplikante sa bawat pahina na matatagpuan sa itaas ng liham ng pagpapasiya.
- Numero ng deklarasyon ng sakuna ng FEMA DR 4734 (sa bawat pahina)
- Pirma ng aplikante at ang petsa.
- Karagdagang dokumentasyon na sumusuporta sa iyong apela (mapapatunayang pagtatantya ng kontratista, papeles sa seguro, kahit anong karagdagang dokumento ng FEMA na hiningi sa liham ng pagiging karapat-dapat)
Ang mga tanong tungkol sa iyong liham o ang proseso ng apela ay maaaring masagot sa pamamagitan ng pagtawag sa linya ng tulong ng tulong sa sakuna sa 800-621-3362.
Kung pipiliin mong magkaroon ng ikatlong partido na magsumite ng liham ng apela sa ngalan mo, ang liham ay dapat pirmahan ng ikatlong partido. Bukod pa rito, mangyaring magsama ng pahayag na pinirmahan mo na nagpapahintulot sa ikatlong partido na mag-apela sa ngalan mo.
Ipadala ang iyong liham:
Gamit ang koreo sa: FEMA, P. O. Box 10055, Hyattsville, MD 20782-8055
Ang mga liham ng apela at sumusuportang dokumentasyon ay maaari ring i-upload sa iyong account sa DisasterAssistance.gov, i-click ang “Check Status” sa pangunahing pahina at sundan ang mga tagubilin, o gamit ang fax sa 800-827-8112 Attn: FEMA.
Maaari ka ring bumisita sa iyong pinakamalapit na Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) at isumite ang iyong apela. Para sa impormasyon tungkol sa mga bukas na DRC at mga oras ng DRC, maaari kang bumisita sa pahina ng Tagahanap ng DRC sa: Tagahanap ng DRC (fema.gov) Maghanap gamit ang estado at piliin ang Florida.