Ang Tulong na Magagamit ng mga Texans sa mga Pangangailangan sa Pagkuha at Paggana

Release Date:
Marso 11, 2021

Ang FEMA ay nakatuon sa pagbibigay ng pantay na pagkuha at paghahatid ng aming mga programa sa mga Texans na naapektuhan ng matinding mga bagyo ng taglamig na nagsimula noong Peb. 11, 2021. Kasama dito ang sinuman na nangangailangan ng pandalubhasang tulong.  Ang patnubay ng FEMA ay naglalayon na tiyakin na ang mga indibidwal na may pangangailangan sa pagkuha at paggana ay makakatanggap ng tulong na naayon sa batas at may pagkakapantay-pantay bago ang, habang may at pagkatapos ng sakuna. 

Sino ang mga Kasama dito?

Ang mga tao na nangangailangan ng tulong dahil sa anumang kundisyon, maging pansamantala o permanente, na sumasaklaw sa kanilang kakayahang kumilos.    Hindi kinakailangan na ang indibidwal ay may isang uri ng pagsusuri o tiyak na pagsusuri.

Ayon sa Sentro ng Pagsugpo at Pag-iwas sa Sakit (, 25.6 porsyento ng mga matatanda sa Texas  ay mayroong ilang uri ng kapansanan.  Ang FEMA ay nagbibigay ng kaayusan sa bawat hakbang ng proseso ng pagbawi.

Ang mga pahayagan, radyo, telebisyon, sosyal medya, mga polyetos, mga lokal na opisyal at mga kasosyo sa pribadong sektor ay tumutulong sa pagkalat ng mahalagang impormasyon ng pagbawi sa maraming mga wika.

Ang Pag-aaplay sa Tulong

Habang nasa proseso ng aplikasyon, lahat ng karapat-dapat na mga aplikante para sa tulong ng FEMA sa sakuna ay magkakaroon ng pantay-pantay na pagkuha sa lahat ng mga programa at mga serbisyo ng FEMA.

Kapag nag-aaplay ng tulong mula sa FEMA, ang mga aplikante ay dapat magbigay ng espesyal na pansin sa tanong numero 24 tungkol sa mga taong may kapansanan at ang iba na may mga pangangailangan sa pagkuha at paggana.  Sagutin ng ‘oo” ang tanong na ito kung ang aplikante ay may kapansanan, espesyal na pangangailangan, o iba pang mga kundisyon sa kalusugan o pangmedikal.

 

Tulong na Makukuha sa mga Taong may Pangangailangan ng Pagkuha at Paggana

Ito ang pinakamahusay na paraan upang tandaan ang alinmang karagdagang mga kawalan na kaugnay ng kapansanan at/o mga pangangailangan katulad ng tulong para sa suportang pangmedikal, o kapalit ng tulong

na teknolohiya na nawala o napinsala dahil sa sakuna.   (Ang mga halimbawa ay kasama na ang wheelchair, iskuter, walker, makina ng CPAP, mga tulong sa pandinig, mga salamin sa mata, at pambasa sa iskrin.)

Ang tanong ay makakatulong din na malaman ang iba pang mga serbisyo na maaaring maging karapat-dapat sa mga aplikante na makatanggap ng kabayaran.   Narito ang link na makakatulong sa tanong numero 24. : Answering Yes to the Disability Question When Registering for Assistance (Pagsagot ng Oo sa Tanong ng Kapansanan kung Magpaparehistro para sa Tulong).

Kung kailangan mo ng makatuwirang kaayusan o tulong sa pagpuno ng iyong aplikasyon sa FEMA, mangyaring tumawag sa 833-283-7448   o sa TTY 800-462-7585. Ang mga gumagamit ng isang relay service  tulad ng isang videophone, InnoCaption o CapTel ay dapat mag-abiso sa FEMA ng tiyak na numero na nakatakda sa serbisyong ito.

Upang mag-aplay para sa tulong, o upang magbago ng impormasyon na kasama na ang paghiling para sa pandalubhasang tulong, makipag-ugnay sa FEMA sa pamamagitan ng:

Ang mga sumusunod na makukuhang bidyo ay nagpapaliwanag ng tatlong mga paraan upang makapagparehistro ka sa tulong sa FEMA: https://www.youtube.com/watch?v=WZGpWI2RCNw&feature=youtu.be

Sa pag-aplay para sa tulong, maging kaagad na handa sa mga sumusunod na impormasyon:

  • Isang kasalukuyang numero ng telepono kung saan ka matatawagan
  • Ang iyong tirahan sa panahon ng sakuna at ang tirahan kung saan ka ngayon tumutuloy
  • Ang iyong numero ng Social Security, kung makukuha
  • Isang pangkalahatang listahan ng pinsala at mga nawala, at
  • Kung nakaseguro, ang numero ng polisa ng seguro, at ang ahente o pangalan ng kumpanya

Ang mga sumusunod na makukuhang bidyo ay magbibigay ng mga kasagutan sa iyong mga katanungan tungkol sa pagpaparehistro sa tulong: https://www.youtube.com/watch?app=desktop&v=Kfbf56VHOcc&feature=youtu.be

Maging Handa

Mahalaga na maghanda bago dumating ang susunod na sakuna. Bumisita sa Ready.gov para sa mga ideya sa paggawa ng isang plano.

Bago ang susunod na bagyo, ang mga may kahirapan sa pandinig, bingi, at mga tao na may kapansanan sa pandama ay maaaring suriin ang “Preparing Makes Sense for People with Disabilities and Other Access and Functional Needs (Ang Paghahanda ay May Katuturan para sa mga Tao na may Kapansanan at Iba pang Pangangailangan sa Pagkuha at Paggana),” isang bidyo na ipinalalabas ng FEMA sa Inggles at sa may senyal na lenguwahe dito: www.youtube.com/watch?v=ZLLMDOScE4g.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa nakaraang buwan ng mga bagyo ng taglamig sa Texas, bumisita sa fema.gov/disaster/4586.  Sundan ang FEMA  Region 6 Twitter account sa twitter.com/FEMARegion6

Tags:
Huling na-update