Sa pagtukoy ng halaga ng pederal na tulong pang-sakuna na ang isang aplikante ay maaaring maging karapat-dapat makakuha, papatunayan ng FEMA na walang “Pagdoble ng mga Benepisyo.”
Ayon sa batas, ang FEMA ay hindi maaaring magbigay ng tulong-pinansyal kung may iba pang pagkukunan, kagaya ng seguro, na nakapagbigay na ng tulong para sa katulad na pangangailangang dulot ng sakuna o kung ang tulong ay makukuha pa sa iba pang panggagalingan.
Ang tulong ng FEMA ay makakatulong sa mga nakaligtas sa sakuna upang gumawa ng unang hakbang sa daan patungo sa pagbawi
Ang mga aplikanteng karapat-dapat para sa pederal na tulong ay makakakuha ng kanilang pondo sa pamamagitan ng isang tseke o direktang deposito. Isang sulat na magpapaliwanag sa uri at halaga ng tulong, at kung para saan ito, ay darating mga isa o dalawang araw mula sa pagtanggap ng bayad na tseke o direktang deposito depende sa paghahatid ng liham sa inyong lugar. Kung ang aplikante ay huming ng E-correspondence, ang sulat na ito ay karaniwang matatanggap sa loob ng 24 oras sa kanilang online account sa FEMA. Ang tulong mula sa FEMA ay maaaring may kasamang:
- Tulong sa Pang-upa na ibibigay sa nakaligtas upang pansamantalang makaupa ng pabahay. Ang halagang natanggap ay base sa lokal na patas na singil sa mercado na tinutukoy ng U.S. Department of Housing and Urban Development (HUD).
- Tulong para sa Pagpapaayos ng Tahanan na tumutulong sa mga mahahalagang pagpapaayos na nakakaapekto sa pamamalagi sa iyong tahanan. Ang halagang natanggap ay base sa pagkasirang dulot ng sakuna at ang tantya ng gastusin sa pagpapaayos, o ang pinakamataas na halaga ng programa. Kasama sa mga uri ng mga pagkasira ang mga sumusunod:
- Pagkasira sa istraktura kabilang ang mga pinsalang dulot ng sakuna sa mga bintana, pintuan, at bubong;
- Pinsala sa kuryente, gas, heater, mga tubo atbp. na nagdudulot ng kawalan ng bisa;
- Ang panloob ay hindi na ligtas ang ikstruktura kabilang ang mga sahig, dingding, at mga kisame; at
- Ang pinagmumulan ng tubig o balon (kung naaangkop) ay hindi gumagana.
- Tulong para sa Pamalit na nagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga may-ari na ang kanilang pangunahing tahanan ay napag-alaman ng FEMA na nawasak dulot ng sakuna. Ang pondo para dito ay maaaring gamitin sa pagbili ng bagong tahanan.
- Iba pang Tulong na nagbibigay ng pondo para sa mahahalagang gastusin at mabigat na pangangailangang dulot ng sakuna. Kasama dito ang medikal, dental, pangangalaga sa mga bata, pagpapalibing, gastusin para sa kritikal na pangangailangan, personal na ari-arian, transportasyon, at paglipat at pag-imbak.
Kung hindi ka naniniwala na ikaw ay karapat-dapat makatanggap ng tulong ng FEMA, may iba pang mga tulong na maaari mong makuha na makakatulong sa iyong epektong dulot ng sakuna:
Karagdagang serbisyo sa pamamagitan ng FEMA:
- Ligal na serbisyong pang-sakuna
- Tulong pang-sakuna sa kawalan ng trabaho
Ang tulong pang-sakuna mula sa FEMA ay dapat gamitin sa naaayon
Kung ang isang aplikante ay gumastos ng kanilang tulong pang-sakuna sa hindi nito layunin, siya ay maaaring hingan na ibalik ang pondo o tanggihan ng tulong sa ibang panahon.
Bahagi ng proseso ng FEMA sa Pagdoble ng Benepisyo na hingan ang mga nakaligtas na mag-apply para sa mababang-interes na pautang sa bahay para sa sakuna na inaalok ng Small Business Administration (SBA). Bagaman ikaw ay hindi kailangang kunin ang kabuuan ng pautang or bahagi ng utang, ang kabuuang halagang inalok ay ituturing na isang benepisyong hindi maaaring duplikahin.
Ang iba pang mga nagbibigay ng pondo para sa sakuna, katulad ng HUD, ay maaaring tignan ang halaga ng tulong na matatanggap ng nakaligtas mula sa FEMA at nilalayon na paggamit. Ito ay bahagi rin ng pag-iwas na madoble ang mga benepisyo.
Ang mga tatanggap ng tulong ay hinihikayat na itago ang mga resibo ng kanilang gastuhin para sa sakuna sa loob ng tatlong taon upang madokumento ang perang ginamit upang punan ang mga pangangailang dulot ng sakuna. Kung ang isang nakatanggap ng insurance settlement (areglo mula sa Seguro) ay ginamit din para sa parehong gastusin, dapat niyang ibalik ang pondo sa FEMA. Ang mga kaso ng mga aplikante ay maaaring suriin upang siguraduhin na ginastos ang pondo sa tamang paraan.
Ang mga katanungan tungkol sa tulong ng FEMA ay maaaring mabigyan ng kasagutan sa pamamagitan ng pagtawag sa Helpline ng FEMA sa 800-621-3362.