Nung nag-apply kayo sa FEMA, maaaring ibinalita ninyo ang pagkasira sa inyong bahay. Kung ganoon, maaaring tawagan kayo ng isang taga-FEMA na inspektor ng bahay at mag-iskedyul ng appointment para bisitahin ang inyong bahay o apartment upang tayahin ang pagkasira.
Kung kayo ay isang nakaligtas na may kaunting pagkasira sa inyong kasalukuyang tinitirhang bahay, hindi kayo kaagad mabibigyan ng iskedyul para sa inspeksyon ng bahay kapag nag-aaply kayo para sa tulong ng FEMA. Sa halip, makakatanggap kayo ng liham mula sa FEMA na nagpapaliwanag na makakatawag kayo sa FEMA Helpline (linya ng tulong) upang humiling ng inspeksyon kung may natuklasan kayong malaking pagkasirang dulot ng sakuna sa inyong tahanan pagkatapos mag-apply para sa tulong.
Kung kayo ay may tanong, makakatawag kayo palagi sa FEMA Helpline sa 800-621-3362. Para sa TTY tumawag sa 800-462-7585.
Ano Dapat Kong Asahan sa Araw ng Inspeksyon?
- Ang pagtatasang inspeksyon ay kadalasang nangangailangan ng 20-40 minuto para makumpleto. Mahalagang huwag kalimutan ang inyong appointment (pinagkasunduang oras) o abisuhan ang inspektor kung kinakailangang ipagpaliban.
- Pagdating ng taga-FEMA na inspektor para isagawa ang pagtatasa, ipapakita niya ang opisyal na tsapa ng FEMA na may litratong pang-ID. Kung hindi makita ang litratong pang-ID, mahalagang sabihin sa inspektor na ipakita ito sa inyo. Ito ay makakapigil ng fraud (panloloko).
- Kung kayo ay may-ari ng bahay, hihingin sa inyo ang katibayan ng pag-ma-may-ari: Bill sa pagbayad ng buwis, titulo, resibo ng hinuhulugang bayad sa bahay o patakaran sa seguro, kasama ang pangalan ng aplikante, at ang address ng nasirang pag-aaari sa dokumento. Hihingin lang ito ng mga inspektor kung hindi pa ito beripikado ng FEMA.
- Kung kayo ay umuupa, kailangan ninyong magpakita ng katibayan sa pagiging residente: resibo ng bayad sa upa, utility bill (kuryente/tubig) o iba pang dokumentong nagkukumpirmang pangunahin ninyong tahanan ang bahay o apartment mula Sept. 1-3, 2021. Hihingin lang ito ng mga inspektor kung hindi pa ito beripikado ng FEMA.
- Kinakailangan ang lahat ng aplikanteng magpakita ng balidong lisensya sa pagmamaneho, pasaporte o ibang litratong pang-ID.
- Ibeberipika ng taga-FEMA na inspektor ng bahay ang pagkasirang dulot ng bagyo at pagbaha sa istruktura ng inyong bahay, sistema ng gusali at malalaking kasangkapang. Ilalagay ng inspektor ang impormasyon sa isang bitbit na maliit na kompyuter. Itong kompyuter ay mayroon ng impormasyon ninyo tulad ng numero ng rehistrasyon. Ang trabaho ng inspektor ay suriin ang inyong ibinalitang pagkasira at itala ito.
Ang mga taga-FEMA na inspektor ay hindi:
- Magpapasiya kung kwalipikado kayo para sa tulong o magbibigay ng estimate sa pagpapa-ayos.
- Kukuha o mag-e-endorso ng mga kontratistang mag-aayos ng bahay o magpapayong magpa-ayos ng bahay.
- Hihingi sa aplikante ng kanilang impormasyon sa bangko o ibang pang-personal.
- Magdadala ng pera, o hihingi o tatanggap ng bayad.
Ang mga nakaligtas sa sakuna na may kapansanan sa komunikasyon—mga bingi o hirap makarinig, bulag o mahina ang mata, at mga may kapansanan sa pagsasalita—ay maaaring humiling ng makatwirang pantulong sa komunikasyon. Halimbawa, ang mga nakaligtas ay maaaring humiling ng isang tagasalin ng American Sign Language (ASL o paggamit ng kamay sa pakikipag-usap). Ang mga pantulong ay maaaring hilingin sa pagtawag sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585) sa oras na na-iskedyul na ang pagtatasang inspeksyon.
Mahalang mga Payo sa mga Aplikante
- Hindi ninyo kailangang hintayin ang inspeksyon ng bahay mula sa FEMA bago gumawa ng kinakailangang pagpapa-ayos sa inyong nasirang pag-aaari.
- Itala nang mabuti ang mga pagkawala. Kunan ng litrato ang lahat ng pagkasira sa pag-aari at malalaking kasangkapan, at itago ang mga resibo ng lahat ng gastos na may kaugnayan sa sakuna.
- Manatiling nakikipag-ugnayan sa FEMA pagkatapos ng rehistrasyon. Kung magbago ang address o numero ng telepono, balitaan kaagad ang FEMA. Ang kulang o maling impormasyon ay maaaring magresulta ng pagkaantala sa pagkakaroon ng inspeksyon ng bahay o pagtatanggap ng tulong.
Isa Pa
Sa oras na nakapag-apply kayo para sa pampederal na tulong, maaaring makatanggap kayo ng aplikasyon sa pautang sa sakuna mula sa U.S. Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo sa Estados Unidos). Mahalang kumpletuhin at isumite ang aplikasyon sa pautang, kahit na sa tingin Ninyo ay hindi kayo kwalipikado para sa pautang o kahit na hindi ninyo kailangang humiling ng mababang-interes na pautang sa sakuna mula sa SBA. Maaari kayong mag-fill-up ng aplikasyon sa online sa https://DisasterLoanAssistance.sba.gov/ela/s/.
Sa katunayan, ang mga may-ari ng bahay at umuupa na hindi kwalipikadong makakuha ng pautang mula sa SBA ay maaaring ipadala sa Other Needs Assistance (ONA o Tulong sa Ibang Pangangailangan) na programa ng FEMA. Ang ONA ay maaaring magsama ng mga grant (kaloob) para makatulong sa pagbabayad ng pagpapa-ayos o pagpapalit ng mga kasangkapang sambahayan, sasakyan at iba pang kasangkapan. Maaari ring maging kwalipikado ang medikal, dental at pang-libing na gastusin sa ilalim ng programang ONA.