Balita at Media: Sakuna 4673

Mga Press Release at Mga Fact Sheet

108

Ang FEMA at ang Estado ng Florida ay magbubukas ng isa pang disaster recovery center sa Lee County upang tulungan ang mga nakaligtas sa Bagyong Ian sa sumusunod na lokasyon:
illustration of page of paper Mga Press Release |
Wala pang apat na buwan pagkatapos ng deklarasyon ng malaking sakuna para sa Bagyong Ian, nagbigay ang Administrasyong Biden-Harris ng $5.2 bilyon sa pinansyal na tulong, mga disaster loan (loan para sa sakuna) at flood insurance (seguro para sa baha) para sa mga taga-Florida.
illustration of page of paper Mga Press Release |
Patuloy na nag-iiskedyul ang FEMA ng mga bukas na pampublikong pagpupulong sa buong Timog-Kanlurang Florida sa misyon nitong ipaalam sa mga nakaligtas sa bagyo ang tungkol sa mga available na mga pang-estado at pederal na programa ng pagbangon. Sa nakaraang tatlong buwan, sinuportahan ng FEMA ang mahigit 100 pagpupulong ng komunidad sa buong lugar ng 20 county kung saan ang mga Eksperto sa Paksa ay naroroon upang talakayin ang mga programa, mga inisyatiba ng estado, tulong sa sakuna, mga mapagkukunan ng komunidad, at mga update. Naging isang paraan ang mga pampublikong kaganapang ito para matutunan ng mga tao ang tungkol sa kung paano pinakamahusay na makakapaghanda para sa susunod na bagyo, makuha ang mga sagot sa mga tanong tungkol sa National Flood Insurance Program (Pambansang Programa ng Seguro sa Baha), at linawin ang pagkalito tungkol sa pag-alis ng debris na hatid ng bagyo sa personal na ari-arian.
illustration of page of paper Mga Press Release |
Isang araw na lang ang natitira para makapag-apply ang mga nakaligtas sa Bagyong Ian para sa tulong sa sakuna sa FEMA at mag-apply para sa mababang interes na disaster loan (utang para sa sakuna) sa U.S. Small Business Administration (SBA, Pangasiwaan para sa Maliliit na Negosyo).
illustration of page of paper Mga Press Release |
Nais paalalahanan ng FEMA ang mga nakaligtas na dalawa o higit pang mga sakuna ang idineklara sa parehong estado. Tinitiyak ng FEMA na matatanggap ng mga nakaligtas ang lahat ng nararapat na tulong habang iniiwasan ang pagkakadoble ng mga pederal na benepisyo. Isang paraan para maisakatuparan ito ng ahensya ay ang pag-aatas ng magkahiwalay na aplikasyon para sa bawat sakuna. Kung nasira o nawala ang iyong ari-arian mula sa Bagyong Ian at muli mula sa Bagong Nicole, kakailanganin mong kumpletuhin ang dalawang magkahiwalay na aplikasyon para sa tulong sa sakuna.
illustration of page of paper Mga Press Release |

Mga PDF, Graphics at Multimedia

View the Disaster Multimedia Toolkit for social media and video content to help communicate about general disaster recovery.

Walang mga file ang nai-tag sa sakunang ito.