FEMA Magtatrabaho sa Panahon ng Kapaskuhan para sa mga Nakaligtas sa Bagyong Idalia

Release Date Release Number
055
Release Date:
December 15, 2023

Ang pagiging nasa bahay para sa panahon ng kapaskuhan ay may mas malaking kahulugan para sa mga naapektuhan ng Bagyong Idalia. Sa kadahilanang ito, patuloy na magtatrabaho ang FEMA sa panahon ng kapaskuhan upang suportahan ang mga kwalipikadong nakaligtas sa kanilang proseso upang tukuyin ang mga potensyal na pandalian, pangmatagalan, at permanenteng solusyon sa pabahay.

Dahil magkaiba ang sitwasyon ng bawat nakaligtas, indibidwal na sinusuri ng FEMA ang bawat aplikasyon at tinutulungan ang mga karapat-dapat na nakaligtas na tukuyin ang pinakamainam ba solusyon sa pabahay upang matugunan ang kanilang indibidwal na pangangailangan.

Patuloy na umuunlad ang FEMA. Ang pangkat ng direktang pabahay ay patuloy na naglulunsad ng mga pinagawang unit ng pabahay at trailer ng panglakbay. Marami nang unit ang “licensed in” (nabigyan ng lisensya na nangangahulugan na ang mga pamilya ay nabigyan na ng mga susi at nakuha ang kanilang pangmatagalang pansamantalang tahanan, at patuloy na mabibigyan ang mga nakaligtas ng lisensya sa buong panahon ng kapaskuhan.

Ang mga aplikante ay dapat manatiling nakikipag-ugnayan sa FEMA upang masigurado na mananatili sa landas ang proseso ng tulong sa sakuna. Ang nawawala o maling impormasyon ay maaaring magresulta sa pagkakaantala sa pagtanggap ng tulong. Ang mga aplikante ay maaaring magbago ng kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan, mag-ulat ng karagdagang pagkasira sa bahay o pagkaantala sa mga claim sa seguro sa mga sumusunod na paraan:

  • Tumawag ng libreng-toll sa 800-621-3362, bukas ang linya ng telepono araw-araw mula 7 n.u. hanggang 10 n.g. sa Silangang Pamantayang Oras. Maaaring makuha ang tulong sa karamihan ng mga wika.
    • Iaanunsyo ang bagong iskedyul ng linya ng tulong para sa panahon ng kapaskuhan kapag maaari na itong makuha.
  • Pumunta sa online sa DisasterAssistance.gov o;
  • I-download ang App ng FEMA para sa mga aparatong mobile.
  • Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng VRS (serbisyo ng relay sa bidyo), serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. 

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bisitahin ang floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong