Pansamantalang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna Magbubukas sa Gilchrist County

Release Date Release Number
033
Release Date:
October 17, 2023

LAKE MARY, Fla. – Ang Estado ng Florida at FEMA ay nagpapatakbo ng Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) sa loob ng County para magbigay ng isa-sa-isang tulong sa mga taong naapektuhan ng Bagyong Idalia.

Ang isa pang pansamantalang sentro ng pabgawi sa sakun ay bukas sa Gilchrist County.

Gilchrist County: Himpilan ng Bumbero sa Gilchrist #4, 6980 Hilagang-Kanlurang Abenida ng ika-70 sa Trenton. 

Ang oras ay 9 n.u. hanggang 6 n.g. Martes, Oktubre 17 hanggang Sabado, Oktubre 21.

Mga lugar na kasalukuyang bukas:

  • Citrus County:  Aklatan ng Crystal River, 8619 Kanlurang Kalye ng Crystal, Crystal River. 9nu-7ng Lunes-Miyerkules, 9nu-5nh Huwebes-Biyernes, Sarado ng Sabado-Linggo (permanenteng magsasara ng 5 n.h. ng Biyernes, Oktubre 27.)
  • Columbia County: 180 Silangang Kalye ng Duval, Lungsod ng Lake, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Sabado, sarado ng Linggo
  • Dixie County: Pampublikong Aklatan ng Dixie County, 16328 Timog-Silangan US-19, Lungsod ng Cross City, 9 n.u. hanggang 8 n.g. Lunes-Sabado, sarado ng Linggo
  • Hamilton County: 1153 Hilagang-Kanluran US Highway 41, Jasper, 9 n.u. hanggang 6 n.g., Lunes-Sabado, sarado ng Linggo
  • Hernando County: Sangay ng Pampublikong Aklatan ng Hernando, 9220 Daanan ng Spring Hill, Spring Hill, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Sabado, sarado ng Linggo. 
  • Jefferson County: Aklatan ng Jefferson County, 375 Timog na Kalye ng Water, Monticello, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Sabado, sarado ng Linggo
  • Lafayette County: Sentro ng Komunidad ng Mayo, 150 Hilagang-Kalunrang Bilog ng Komunidad, Mayo, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Biyernes, 9 n.u. hanggang 1 n.h. Sabado, sarado ng Linggo
  • Madison County: Pinagmumulan ng Karera Hilagang Florida, 705 Silangang Kalye ng Base, Madison, 8 n.u. hanggang 8 n.g. araw-araw
  • Manatee County: Sentro ng Komunidad ng Rubonia, 1309 Kalye ng ika-72 Silangan, Palmetto, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Sabado, sarado ng Linggo (permanenteng magsasara ng 6 n.g. Oktubre 20)
  • Pasco County: Pang-rehiyong Kanlungan sa Bagyo ng Fasano, 11611 Abenida ng Denton, Hudson, 9 n.u. hanggang 7 n.g. araw-araw, (permanenteng magsasara ng 7 n.g. Oktubre 28)
  • Taylor County: Sentro ng Komunidad ng Steinhatchee, 1013 Timog na Daanan ng Riverside, Steinhatchee, 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes-Sabado, sarado ng Linggo

Hindi kinakailangan ang appointment para bisitahin ang isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna. Ang mga residente ay inaanyayahang bisitahin ang kahit anong bukas na DRC, hindi mo kailangang maging residente ng county nito.

Ang mga Sentro ng Pagbawi sa Sakuna ay nagbibigay sa mga nakaligtas sa sakuna ng impormasyon mula sa mga pang-estadong ahensya ng Florida, sa FEMA at sa U.S. Small Business Administration (SBA o Administrayon ng Maliliit na Negosyo). Ang mga nakaligtas ay maaaring kumuha ng tulong sa pag-aaply para sa pederal na tulong, matutunan ang tungkol sa mga uri ng makukuhang tulong, matutunan ang tungkol sa proseso ng apela at kumuha ng mga update sa mga aplikasyon.

Bilang karagdagan sa pagbisita sa isang sentro, ang mga tao ay maaaring mag-apply sa pamamagitan ng pagpunta sa online sa DisasterAssistance.gov, paggamit ng mobile app ng FEMA  o pagtawag sa 800-621-3362, 7 n.u. hanggang 10 n.g. sa Silangang Pamantayang Oras araw-araw. Ang tulong ay maaaring makuha sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng video relay (VRS o serbisyo ng relay sa bidyo), naka-caption na telepono o iba pang serbisyo, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Ang huling araw para mag-apply sa FEMA ay Nobyembre 29, 2023.

Ang mga Sentro sa Pagbawi sa Sakuna ay maaaring gamitin ng mga taong may kapansanan. Mayroon silang kagamitan na may pantulong sa teknolohiya na magbibigay ng kakayahan sa mga nakaligtas na makipag-ugnayan sa mga tauhan. Ang Video Remote Interpreting (pagsasalin gamit ang remote na bidyo) ay magagamit at ang sa personal na wikang pasensyas ay magagamit kapag hiniling. Ang mga sentro ay mayroon ring naa-access na paradahan, mga rampa, at mga banyo.

FEMA Individual Assistance can help with temporary lodging expenses, basic home repairs and other essential disaster-related needs. 

Para sa isang naa-access na bidyo tungkol sa kung paano mag-apply para sa tulong, puntahan ang Tatlong Paraan para Magrehistro para sa Tulong sa Sakuna ng FEMA - YouTube

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bisitahin ang  floridadisaster.org/updates/at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong