Mga Exsperto sa Pagpapagaan Nag-aalok ng Payo sa Muling Pagtatayo sa Dixie County

Release Date Release Number
031
Release Date:
October 11, 2023

LAKE MARY, Fla. – Habang ang mga taga-Florida ay muling nagtatayo, ang mga nakaligtas naman mula sa Bagyong Idalia ay maaaring makakuha ng libreng payo kung paano muling magtayo nang mas matibay at mas ligtas laban sa mga bagyo.

Ang mga espesyalista sa mitigation (pagpapagaan) ng FEMA ay magiging handa para sumagot ng mga tanong at mag-alok ng libreng payo sa pagpapabuti ng bahay at napatunayang pamamaraan upang mapigilan at mabawasan ang pinsala mula sa mga sakuna sa hinaharap. Itong impormasyon ay nakatuon para sa trabahong do-it-yourself (ikaw mismo ang gagawa) at pangkalahatang kontratista.

Ang pagpapagaan ay isang pagsisikap upang mabawasan ang pagkawala ng buhay at pagkasira sa pag-aari sa pamamagitan ng pagbawas ng epekto ng sakuna. Ang mga espesyalista ng FEMA ay nakahanda sa mga petsa at oras na nakalista sa:

Liles Ace Hardware, 16608 Timog-Silangang Highway 19, Lungsod ng Cross

Lunes hanggang Sabado: 8nu hanggang 5:30ng, Sarado kapag Linggo. Huwebes, Oktubre 12 hanggang Biyernes, Oktubre 27.

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bisitahin ang  floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong