Maywood na Pansamantalang Sentro ng Pagbawi ng FEMA Magbubukas sa Lunes Oktubre 2 para sa Isang Linggo

Release Date Release Number
NR-15
Release Date:
September 30, 2023

CHICAGO – Ang isang pansamantalang Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) ng FEMA ay magbubukas sa Maywood mula Lunes,  ika-2 ng Oktubre hanggang Sabado, ika-7 ng Oktubre upang tulungan ang mga umuupa, may-ari ng bahay, at may-ari ng negosyo na naapektuhan ng matinding bagyo at pagbaha noong Hunyo 29-Hulyo 2. 

Lokasyon:

Lightford Recreation Center

809 Madison St.

Maywood, IL 60302

Oras: 8 n.u. hanggang 5 n.h.

May mga espesyalista mula sa FEMA at ng U.S. Small Business Administration (Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) sa mga sentrong ito para tulungan ang mga nakaligtas ng Hunyo 29 – Hulyo 2, 2023 na bagyo at pagbabaha na mag-apply para sa pederal na tulong sa sakuna, mag-upload ng dokumento, matuto ng mga paraan para gawin nilang mas matibay ang paglaban sa sakuna, at masagot ang kanilang mga tanong sa personal.

Ang kahit sinong nangangailangan ng makatwirang tulong (pagsasalin sa ASL, Braille, mas malaking sulat etc.) o isang tagasalin sa ibang wika ay maaaring tumawag sa 800-621-3362 upang humingi ng tulong nang maaga o humingi ng tulong sa mga kawani ng pagbawi sa sentro. 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbawi sa sakuna sa Illinois, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4728. Ang huling araw para magrehistro sa FEMA ay Oktubre 16, 2023.

Tags:
Huling na-update noong