Paalala! Suriin Ang Mga Utility At Basement Para Sa Pagsira Ng Baha

Release Date Release Number
DR-4728-IL NR-12
Release Date:
September 19, 2023

CHICAGO –Sa huling panahon ng tag-init sa buong Chicagoland, ang huling bagay na maaaring iniisip mo ay ang darating na mga buwan ng taglamig. Ngunit habang bumababa ang temperatura, ang pugon mo ay magiging pinakamahalagang kasangkapan sa bahay mo. Pinapayo ng FEMA na siguraduhin mo na ang iyong sistema ng pag-init, pampainit ng tubig, at iba pang kasangkapan na maaaring nasira ng sakuna noong Hunyo 29 – Hulyo 2 nasa magandang kondisyon sa pagtatrabaho bago dumating ang malamig na panahon. Kung hindi, maaari kang makatanggap ng tulong mula sa FEMA para paganahin muli sila.

At habang ang tulong ng FEMA ay limitado sa mga bagay na ginagawang ligtas, matatag, at matitirahan ang iyong bahay, ang mga bahay na may sira sa mahahalagang tinitirhang espasyo ng basement—kabilang ang mga hardin na apartamento—ay maaari ring maging karapat-dapat para sa tulong ng FEMA para tumulong na sagutin yung mga pagkawala. 

Una, kailangan mong magrehistro sa FEMA. Sa panahon ng proseso ng aplikasyon, siguraduhin mong ibalita ang kahit anong sira sa iyong pugon, pampainit ng tubig, iba pang de-koryenteng kasangkapan, at okupadong silid sa mas-mababang palapag. 

Pagkatapos magrehistro, kakailangin tasahin ng isang inspektor ng FEMA ang sira sa bahay mo. Sinanay ang mga inspektor ng FEMA na kilalanin ang mga sirang idinulot ng isang sakuna, ngunit hindi sila nagpapasya kung tatanggap kayo ng tulong. Susuriin naman ng mga espesyalista ng FEMA ang sitwasyon ng bawat aplikante upang matukoy ang lahat ng pagkasira at pagkawala na maaaring maging karapat-dapat.

Suriin Yung mga Utility, Manatiling Nakikipag-Ugnayan sa FEMA

Kung mapakita ng inspeksyon na umabot ang tubig baha sa iyong sistema ng pag-init ng bahay, dapat mo silang ipasuri sa mga may karanasan na tagapag-ayos na tauhan. Maaaring makakuha ng mga gawad ng FEMA para makatulong magpagawa ng nasirang mga pugon o pampainit ng tubig at palitan yung mga nasira ng tubig baha.

Kung nakatanggap ka ng gawad ng FEMA para sa pagpapagawa ng iyong pugon o pampainit ng tubig at matutuklasan mo mamaya na kakailanganing palitan ang mga bagay na iyon, maaari mong gamitin ang proseso ng apela ng FEMA para sa karagdagang pondo ng gawad. Ang mga aplikante ay mayroong 60 na araw para mag-apela at kailangang magsumite ng liham na may beripikadong tantiya ng kontrasita para sa pagpalit ng pugon o pampainit ng tubig. Upang matuto pa tungkol sa proseso ng FEMA sa apela, bumisita sa fema.gov/assistance/individual/after-applying/appeals.

Ang mga nakaligtas sa sakuna na hindi pa nakapag-apply para sa tulong ng FEMA ay dapat mag-apply online sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang FEMA App sa iyong telepono, bumisita sa Disaster Recovery Center (Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) o tumawag sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang numero mo para sa serbisyong iyon. 

Para pa sa karagdagang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbawi sa sakuna sa Illinois, bumisita sa  www.fema.gov/disaster/4728. Ang huling araw para magrehistro sa FEMA ay Oktubre 16, 2023.      

Tags:
Huling na-update noong