Mga Aplikante ng Estado at FEMA para sa Pagbibigay ng Tulong dahil sa Sakuna, Asahan ang Panibagong Inspeksyon

Release Date Release Number
NR 002
Release Date:
February 8, 2019

ANCHORAGE, Alaska – Ang mga residente ng Alaska na humihiling ng tulong pederal sanhi ng sakuna (federal disaster assistance) dahil sa lindol noong Nob. 30 ay tatawagan ng inspektor ng FEMA para mag-iskedyul ng inspeksyon nang malaman ang pinsalang dulot ng kalamidad. Dahil ang paghiling ng tulong pederal ay hiwalay sa aplikasyon sa estado, kinakailangan ang isa pang inspeksyon, kahit na nagpadala na ang estado ng kagawad na tagasuri ng kawalan para sa programa ng Tulong Pang-Indibidwal ng Estado (State Individual Assistance program).

 

Ang mga inspektor ng FEMA ay maaari kayong tawagan sa telepono, sa pag-text o pag-email depende sa kung anumang impormasyon ang iyong binigay upang ikaw ay matawagan noong ikaw ay nagrehistro.

 

Kung ikaw ay humiling ng pautang para sa tulong dahil sa sakuna sa Kapisanan ng Maliit na Negosyo ng Estados Unidos (U.S. Small Business Administration or SBA), isang tagasuri ng kawalan ang magtatantiya ng kabuuang pisikal na kawalan sa iyong pag-aaring nasalanta ng kalamidad.

 

Ang inspeksyon ay kadalasang inaabot ng mga 20-40 minuto. Maaaring gustuhin ng tagasuri na makita ang nasirang parte ng iyong tahanan at mga kasangkapa at personal na ari-ariang nasira. Kung mayroong mga sira sa iyong atik o at masisikip na lugar na magagapangan lamang, dapat mong siguraduhing madadaanan ito upang makita ng inspektor ang pagkasira. Walang babayaran para sa pag-inspeksyon.

Ang mga inspektor ng FEMA ay may dalang opisyal na tsapa na may larawan ng pagkakakilanlan (official FEMA photo ID badge). Sa araw ng inspeksyon, maaari mong hilingin sa inspektor na ipakita ang kanilang tsapa. Kung ang inspektor ay tumangging ipakita ang larawan ng pagkakakilanlan sa FEMA, huwag payagan ang inspeksyon. Ang mga kalamidad ay minsang nagdudulot na magsulputan ang mga             nanloloko na lumilinlang sa mga pangangailangan ng mga nakaligtas sa mga sakuna.

 

Isang taong mayroong 18 taong gulang pataas ang kailangang naroroon habang nagsasagawa ng inspeksyon. Ang inspektor din ay magtatanong na makita ang mga:

  • Larawan ng pagkakakilanlan
  • Patunay ng pagmamay-ari o pagtira sa nasirang tahanan (tala ng buwis, libro ng mga bayarin sa utang, kasunduan sa upahan o tala ng mga bayarin o utility bill)
  • Listahan ng mga taong nakatira sa bahay nang mangyari ang sakuna
  • Lahat ng pagkasirang dulot ng kalamidad sa ari-arian (real) at personal na pag-aari
  • Ang mga inspektor ay hindi hihingi ng iyong Numero ng Seguridad Panglipunan (Social Security Number) o ulat impormasyon ng iyong bangko

 

Kung ang iyong tahanan ay natagpuang hindi mapuntahan noong oras ng inspeksyon, ikaw ay kinakailangang magpaalam sa FEMA kung kailan maaaring puntahan ang iyong bahay para sa panibagong inspeksyon. Para baguhin ang istado ng isang hindi matirahang tahanan, ikaw ay dapat tumawag sa Linyang Mapaghihilingan ng Tulong para sa Kalamidad (Disaster Asisstance Helpline) sa 800-621-3362. Oras na mabago ang estado ng iyong bahay at ikaw ay nakahiling ng panibagong inspeksyon, isang inspektor ng FEMA ang tatawag sa iyo upang mag-iskedyul ng inspeksyon.

Oras na makumpleto ang inspeksyon, gagamitin ng FEMA ang impormasyon para aralin ang iyong kaso at padalhan ka ng sulat na naglilista ng isang desisyon. Basahin ito ng maagi. Maraming beses na ang hindi pagpasa ay sa dahilang ang FEMA ay hindi nakatanggap ng sapat na impormasyon, katulad ng pagpapatunay ng pagmamay-ari o paninirahan. Ikaw ay may 60 araw para umapela sa isang desisyon ng FEMA. Ang proseso ng pag-apela ay nakatala sa sulat.

Tags:
Huling na-update noong