Ang paghiling ng Tulong mula sa Sakuna matapos ang Lindol sa Alaska

Release Date Release Number
NR-001
Release Date:
February 6, 2019

Ang bawat mamamayan ng Alaska na humihingi ng tulong ay hinihikayat na magrehistro sa pamamagitan ng pagsulat ng kahilingan para sa tulong pederal mula sa kalamidad (federal disaster assitance) mula sa Ahensiyang Namamahala ng Emerhensyang Pederal (FEMA) at ang Administrasyon ng mga Maliliit na Negosyo (U.S. Small Business Administration.) Bumisita sa www.DisasterAssistance.gov o tumawag sa 800-621-3362 (800-462-7585 TTY) para simulan ang proseso ng pagrehistro. Nakahanda ang mga operator (multilingual operators).

 

Upang makahingi ng tulong mula sa Alaska Individual Assistance, pumunta sa www.Ready.Alaska.gov, o tumawag sa 855-445-7131. Ang huling araw na pwedeng humingi ng tulong ay sa Peb 28.

 

Kapag humingi kayo ng tulong mula sa FEMA, maaari kayong dalhin sa iba’t ibang programa – kasama ang SBA – at ang una ninyong tawag, pagbisita, o pag-apply online ay simula pa lang ng proseso. Sa katapusan ng inyong tawag o online aplikasyon sa FEMA, makinig o basahin nang mabuti ang mga patnubay na inihayag. Kapag nakapagrehistro sa FEMA, maaari kang makatanggap ng iba’t ibang klase ng tulong.

 

Ang seguro (insurance) ay ang unang depensang panlaban kapag ang isang sakunang ay manalanta sa inyong tahanan at ari-arian, at ayon sa batas, hindi kaya ng FEMA na pumalit sa seguro o ibang mga benepisyo. Subalit, kapag ang settlement ng inyong seguro ay hindi sapat na pambayad sa inyong mga pangangailangan dahil sa kalamidad, maaaring mabigyan ng pagkakataon ang aplikanteng magkaroon ng FEMA grant. Sa karagdagan, makakabigay ng tulong sa pagbayad sa upa ang FEMA sakaling matagalan ang pabibisa ng bayad (settlement) mula sa seguro.

 

Makakabigay ng panggastusin para sa pagpapaayos sa mga pamamahay ang mga gawad programa ng FEMA para sa mga indibidwal at mga sambahayang kinauukulan (FEMA Individuals and Households Program o IHP grants), upang maging ligtas, malinis, at upang matitirahan itong muli; ng mga pambayad sa medikal, dental, paglilibing (funeral), at pag-aalaga sa bata (child care expenses); mga ari-arian (halimbawa: damit, kasangkapan sa bahay), panggastos sa paglipat, imbakan, at pag-aayos ng mga sasakyan. Ang mga aplikanteng magrerehistro sa FEMA ay idinidirekta din sa SBA habang sila ay nagrerehistro.

 

Hindi obligadong tumanggap ng pautang para sa kalamidad mula sa SBA (SBA disaster loan) ang mga aplikante kahit na sila ay naaprubahan. Subalit, ang mga aplikanteng idinirekta sa SBA ay kinakailangang kumpletuhin at isumite ang kahilingan sa pautang ng SBA (SBA loan application) upang mabigyan ng iba pang tulong pagkakasauli pederal at estado dahil sa kalamidad (federal and state disaster recovery assistance.)

 

Maaaring makabigay ng mga sumusunod na pondong pagkakasauli (recovery funds) ang mga gawad programa ng FEMA para sa mga Indibidwal at mga Sambahayang Kinauukulan (FEMA Individuals and Households Program o IHP grants) na hindi kinakailangan ang desisyon ng SBA:

 

  • Pansamantalang Pabahay– May makukuhang tulong na pinansyal upang maka-upa para sa mga nawalan ng tirahan mula sa kalamidad hanggang labing walong buwan (18 months) o hanggang katapusan ng programa
  • Tulong sa Pagpapaayos – May makukuhang tulong na pinansyal ang mga may-ari ng bahay para sa pang-ayos sa napinsala ng kalamidad upang maging ligtas at malinis ito at upang magagamit muli ang napinsalang tirahan.
  • Tulong sa Kapalit – May makukuhang pederal na pinansyal na tulong ang mga may-ari ng bahay upang mapalitan nila ang kanilang tirahang nasira sa kalamidad
  • Tulong sa medikal, dental, pag-aalaga ng bata, at/o pagpapalibing na dulot ng kalamidad
  • Mga ibang mga kagamitan na binili o inarkila upang maging ligtas at malinis muli ang bahay ay maaari ring tanggapin (halimbawa: chainsaw o lagaring de koryente, dehumidifier)

 

Kung tinanggihan ang aplikanteng makakuha ng pautang mula sa SBA, maaaring magbigay ang FEMA ng tulong para sa indibidwal para sa mga ibang pangangailangan tulad ng personal na ari-arian (halimbawa: kasuotan, ari-arian sa bahay), mga gastos sa paglipat at pag-imbak, o pagpapaayos ng sasakayan ay maaaring mabigyan ng pondo para sa pagkakasauli.

 

Kung ang aplikante ay inaprubahan ng SBA, maaaring ibigay ang mga pautang na mababa ang interes, at abot-kaya ang pagbabayad, upang matugunan ang mga pangangailangan ng aplikante sa pag-ahon mula sa kapamahakan. Kung ayaw ng aplikanteng tumanggap ng pautang mula sa SBA, hindi magbibigay ang FEMA ng tulong na kayang ibigay ng pautang mula sa SBA.

 

Nag-aalok ang SBA ng pautang sa kalamidad na mababa ang interes para sa iba’t-ibang laki ng mga negosyo, mga may-ari ng bahay, at mga umuupa

Maaaring makahiram ng pera hanggang dalawang milyong dolyares ($2 million) ang mga negosyong iba’t-iba ang laki upang mapagawa/mapalitan ang mga ari-ariang nasalanta ng kalamidad.

Maaari ring makahiram ng pera ang maliliit na negosyong pangingisda (akwakultura) at ang karamihan ng mga pribadong walang tubong organisasyon para puhunan sa naidulot ng kalamidad. Kasama sa dalawang milyong dolyares ang pinsala sa ari-arian at pautang para sa puhunan.

Maaaring humiram ng pera ang mga may-ari ng bahay hanggang sa halagang dalawang daang libong dolyares ($200,000) upang mapagawa o mapalitan ang kanilang pangunahing tahanan. Maaaring makahiram ang mga may-ari ng bahay at umuupa hanggang apatnaput libong dolyares ($40,000) upang mapalitan ang pansariling ari-arian, kasama ang mga sasakyan.

Kung inaprubahan ang iyong kahilingan para sa pautang, maaari kang makatanggap ng karagdagang pondo para sa pagpapabuti ng inyong ari-arian, upang mapangalagaan sila laban sa pinsala.

  • Ipagpapaliban ng SBA ang unang kabayaran ng limang buwan mula sa petsa binigyan ng pahintulot at kasunduan ang taong umuutang
  • Maaaring gamitin ang mga pautang ng SBA para sa pagbabayad ng mga pabawas sa seguro

Pumunta sa ligtas na website ng SBA www.disasterloan.sba.gov/ela para mag-aplay, o bumisita sa isang lunsurang pagkakasauli dahil sa kapamahakan (disaster recovery center). Susuriin ng SBA ang inyong kredito bago magsagawa ng pagsusuri para malaman ang inyong kawalan.

  • Ang isang inspektor mula sa SBA ang magtatantiya ng kabuuan ng kawalan sa iyong ari-ariang nasalanta ng kalamidad.
  • An SBA verifier will estimate the total physical loss to your disaster damaged property.
  • Titiyakin ng isang taga-apruba ng pautang habang nagpoproseso kung karapat-dapat kang makatanggap ng pautang pagkatapos suriin ang seguro at iba pang mga pagkakasauli. Maaaring magbigay ng pautang ang SBA habang naghihintay kayo sa inyong pagkakasauli sa seguro. Makakatanggap din kayo ng liham tungkol sa lahat ng mga desisyon sa pautang.
  • May itatakdang tagamapahala ng kaso na tutulong sa inyong matugunan ang lahat ng pangangailangan para sa pautang. Siya din ang mag-iiskedyul ng pagbabayad hanggang matanggap mo ang buong halaga ng pautang.
     
    Maaaring baguhin ang halaga ng inyong pautang dahil sa pagbabago ng mga kalagayan. Ang mga posibilidad sa pagbabago ay ang pagtaas ng pautang para sa hindi inaasahang gastusin sa pagpapaayos o ang pagbaba ng pautang dahil sa karagdanag nalikom sa seguro.
     

 

Tags:
Huling na-update noong