Idinagdag ang Lalawigan ng Santa Clara sa deklarasyon ng pederal na sakuna sa sunog nitong Agosto

Release Date Release Number
DR-4558-CA NR 017
Release Date:
September 30, 2020

SACRAMENTO, Calif. – Ang Lalawigan ng Santa Clara ay inaprubahan para sa tulong na pederal para sa mga indibidwal at mga sambahayan, pati na rin ang pagsasaayos o muling pagtatayo ng mga imprastraktura ng komunidad, na bilang bahagi ng pangunahing deklarasyon ng sakuna sa sunog na inaprubahan nitong ika-22 ng Agosto.

Ang program ng tulong sa indibidwal ng FEMA ay nagbibigay ng mga paggawad upang matulungan ang mga karapatdapat na nakaligtas ng tulong pinansiyal na maaaring kasama ang renta, pagsasaayos sa bahay, pagpapalit ng bahay at iba pang mga pangangailangan na kaugnay ng sakuna kagaya ng pag-aalaga sa bata, mga gastos pang-medikal at pangangalaga ng ngipin.

Mag-aplay ng tulong sa sakuna sa Ahensiya ng Pederal para sa Pamamahalang Emerhensiya sa online sa www.disasterassistance.gov; sa pamamagitan ng pag-download ng FEMA app sa isang smartphone o tablet; o sa pagtawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585) sa pagitan ng 7 ng umaga at 10:30 ng gabi PDT. Kung gumagamit ka ng serbisyong relay gaya ng videophone, Innocaption o CapTel, ibigay sa  FEMA ang tiyak na numero na itinalaga sa serbisyo kapag ikaw ay nagparehistro.

Tulong ng Pangasiwaan sa Maliliit na Negosyo ng U.S. (U.S. Small Business Administration)

Ang Pangasiwaan sa Maliliit na Negosyo ng U.S. (U.S. Small Business Administration/SBA) ay nagtayo ng isang Sentro ng Birtuwal na Pag-abot sa Pangungutang sa Sakuna (Virtual Disaster Loan Outreach Center) upang makatulong sa mga may-ari ng bahay at mga nangungupahan.  Ang mga kinatawan ng serbisyo sa kostumer ay magagamit upang tulungan ang mga may-ari ng negosyo at mga indibiduwal para tumugon sa mga tanong tungkol sa programa ng SBA para sa pangungutang sa sakuna, ipaliwanag ang paraan ng aplikasyon at tumulong sa bawat tao na kumpletuhin ang kanilang elektronikong aplikasyon sa pangungutang.

Sentro ng Birtuwal na Pagbawi sa Negosyo (Virtual Business Recovery Center) at Sentro ng Birtuwal na Pag-abot sa Pangungutang sa Sakuna (Virtual Disaster Loan Outreach Center)

Lunes — Linggo

5 ng umaga hanggang 5 ng hapon PDT

FOCWAssistance@sba.gov

800-659-2955

###

Related Links:
Tags:
Huling na-update noong