Sabi-sabi : Kinokontrol o pinamamahalaan ng FEMA ang mga istasyon ng transfer, dump site at mga kontrata na may kaugnayan sa mga basura.
Katotohanan
Ito ay mali.
Hindi umuupa, pinamamahalaan o pinangangasiwaan ng FEMA ang gawaing isinasagawa ng mga kontratista para sa pagtanggal ng mga basura pagkatapos ng mga bagyo. Hindi kinokontrol o pinamamahalaan ng FEMA ang mga dump site o transfer station. Binabayaran ng FEMA ang mga lokal, estado o tribo na pamahalaan para sa kanilang pagtanggal ng mga basura na nauugnay sa bagyo. Gayunpaman, wala kaming kontrol sa mga lokal na batas o ordinansa para sa pagtanggal ng mga basura na maaaring magkontrol sa mga istasyon ng transfer, mga dump site o kontrata.