Bumalik sa Bahay at Maglinis - Halimbawa ng Teksto

  • Makinig sa mga lokal na opisyal para sa impormasyon at espesyal na tagubilin. Kung lumikas ka, bumalik lamang sa bahay kapag sinabi nilang ligtas ito. Bisitahin ang Ready.gov/hurricanes para sa iba pang mga tip.
  • Huwag hawakan ang mga kagamitang de-kuryente kung basa ito o kung nakatayo ka sa tubig. Kung ligtas na gawin ito, patayin ang kuryente sa pangunahing breaker o fuse box upang maiwasan ang electric shock.
  • Huwag lumakad sa tubigg baha, na maaaring maglaman ng mapanganib na mga patogen na nagdudulot ng mga sakit. Ang tubig na ito ay maaari ring maglaman ng mga kalat, kemikal, basura at hayop. Ang mga linya ng kuryente sa ilalim ng lupa o bumagsak na kable ng kuryente ay maaari ring magdala ng kuryente sa tubig.
  • Mag-ingat sa panahon ng paglilinis. Magsuot ng pangproteksiyon na damit at makipagtulungan sa ibang tao, kung maaari. Gumamit ng naaangkop na mga takip sa mukha o maskara kung naglilinis ng amag o iba pang mga basura. Ang mga taong may hika at iba pang mga kondisyon sa baga at/o immune pressure ay hindi dapat pumasok sa mga gusali na may panloob na pagtagas ng tubig o paglago ng amag na maaaring makikita o amoy, kahit na ang mga indibidwal na ito ay walang alerhiya sa amag. Hindi dapat tumulong ang mga bata sa gawaing paglilinis ng sakuna.
Huling na-update