Sabi-sabi : Kapag nag-apply ako para sa tulong sa sakuna, maaaring kumpiskahin ng FEMA ang aking ari-arian o lupain kung sa tingin nila ay hindi na puwedeng tirahan.

Katotohanan

Hindi ito totoo. Hindi puwedeng kuhain ng FEMA ang iyong ari-arian o lupain. Ang pag-aplay para sa tulong sa sakuna ay hindi nagbibigay sa FEMA o ng awtoridad ng pamahalaang pederal o pagmamay-ari ng iyong ari-arian o lupa.

Kapag nag-apply ka para sa tulong sa sakuna, maaaring ipadala ang isang inspektor ng FEMA para i-verify ang pinsala sa iyong tirahan. Isa ito sa maraming salik na sinusuri para malaman kung anong uri ng tulong sa sakuna ang maaaring kwalipikado ka. Kapag ang mga resulta ng inspeksyon ay nagsaad na hindi na puwedeng tirahan ang iyong tahanan, ang impormasyon na iyon ay gagamitin lamang para alamin ang halaga ng tulong ng FEMA na matatanggap mo para gawing ligtas, malinis at magagamit ang bahay mo.

Huling na-update