Ano ang mga sakop ng gastos sa libing?

Ang COVID-19 Tulong sa Libing ay tutulong sa mga gastos para sa mga serbisyo sa libing at interment o pagsusunog ng bangkay. Ang anumang mga resibo na natanggap para sa mga gastos na hindi nauugnay sa mga serbisyo sa libing ay hindi matutukoy na karapat-dapat na gastos. Ang mga karaniwang gastusin ay para sa mga serbisyo sa libing at interment o pagsusunog ng bangkay, ngunit hindi limitado sa:

  • Transportasyon hanggang sa dalawang indibidwal upang makilala ang namatay na indibidwal
  • Paglipat ng mga labi
  • Kasket o urn
  • Lugar ng libingan o cremation niche
  • Marker o headstone
  • Mga serbisyong pang-pari o pangseremonya
  • Pag-aayos ng seremonya ng libing
  • Paggamit ng kagamitan o kawani ng punerarya
  • Mga gastos sa kramasyon o interment
  • Mga gastos na nauugnay sa paggawa at pagpapatunay ng maraming mga sertipiko ng kamatayan
  • Karagdagang mga gastos na inatasan ng anumang naaangkop na mga batas o ordenansa ng pamahalaang lokal o estado
Huling na-update