Ang life insurance ba ay itinuturing na isang pagdoble ng benepisyo? Paano kung gumamit ako ng life insurance upang magbayad para sa mga gastos sa libing?
Ang mga nalikom sa life insurance ay hindi itinuturing na isang pagdoble ng mga benepisyo ng Funeral Assistance. Kung ang mga gastos sa libing ay binayaran ng burol o panglibing na insurance, hindi na maaaring madoble ng FEMA ang benepisyong iyon at hindi kayang bayaran ng FEMA ang aplikante para sa mga gastusin na nabayaran na. Gayunpaman, hindi isinasaalang-alang ng FEMA ang mga nalikom sa life insurance, mga gratuity sa pagkamatay, o iba pang mga uri ng tulong na hindi partikular na inilaan upang bayaran ang mga gastos sa libing bilang isang pagdoble ng benepisyo. Samakatuwid, ang mga aplikante na gumamit ng life insurance upang magbayad para sa mga gastos sa libing ay maaaring isaalang-alang para sa COVID-19 Funeral Assistance.