Mga Karaniwang Dahilan para sa Desisyon ng FEMA sa Pagiging Karapat-dapat at Paano Mag-apela sa mga Iyon

Release Date:
December 21, 2023

Ang mga residente ng Cook County na nag-apply para sa tulong sa FEMA pagkatapos ng matinding bagyo at pagbaha noong Setyembre 17-18 ay makakatanggap ng liham mula sa FEMA. Basahin nang mabuti ang sulat. Maaaring sabihin ng iyong liham na hindi ka kasalukuyang karapat-dapat para sa tulong, ngunit hindi ito isang pagtanggi. May mga bagay na pwede mong gawin na maaaring magbago ng desisyong iyon.

Mga Karaniwang Dahilan na Hindi Ka Kasalukuyang Karapat-dapat para sa Tulong sa FEMA

  • Pagmamay-ari o inuupahan mo ang iyong tahanan, at ligtas pa rin itong tirahan - Walang sapat na pinsala sa iyong tahanan na dulot ng sakuna, o ang pinsala ay hindi nakakaapekto sa kung maaari kang manirahan sa bahay. Ang tulong sa pabahay ng FEMA ay maaari lamang ibabalik ang iyong tahanan sa isang ligtas, malinis, at gumagana na tirahan. Ang pinsala sa mga hindi mahahalagang lugar, landscape o nasirang pagkain ay hindi saklaw sa tulong ng FEMA.
    • Kung naniniwala kang mas maraming pinsala ang iyong tahanan o personal na ari-arian kaysa sa iniulat ng inspektor, maaari kang magsumite ng pahayag o tantiya ng kontratista, pahayag o tantiya ng isang mekaniko, isang pahayag mula sa isang lokal na opisyal o resibo para sa mga gastos na dulot ng sakuna upang ipaliwanag kung bakit maaaring kailanganin ang ibang halaga ng grant.
    • Kung ang pinsala sa iyong ari-arian ay hindi idinulot ng matinding bagyo at pagbaha noong Setyembre 17-18, o kung nakatanggap ka na ng tulong ng FEMA para sa pinsala dahil dulot ito ng ibang pederal na ipinahayag na sakuna, maaaring ituring na ligtas na tirahan ang iyong bahay at hindi ka magiging karapat-dapat para sa tulong.
       
  • Hindi mo nais na umalis mula sa iyong tahanan, o hindi ka kinakailangang manatili sa ibang lugar habang ginagawa ang pagpapa-ayos — Kung sinabi mo sa FEMA na hindi ka pumapayag na umalis ng iyong bahay habang ginagawa ang pagpapa-ayos, hindi kami makakapag-alok ng pinansyal na tulong upang lumipat. Kung magbago ang iyong sitwasyon, kontakin mo ang FEMA upang i-update ang iyong aplikasyon.
    • Mga Umuupa: Kung nakatira ka sa isang apartamento at kinakailangang paalisin ka ng may-ari para maisagawa ang pagpapa-ayos sa apartamento o gusali, tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362 at i-update ang iyong katayuan. Maaari kang maging karapat-dapat para sa tulong.
       
  • Hindi ka namin makontak - Hindi ka namin matutulungan kung hindi ka namin makontak upang makapag-iskedyul ng inspeksyon. Tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362 upang i-update ang iyong impormasyon at ipaalam sa amin na kailangan mo pa rin ng tulong.
     
  • Kailangan namin ng karagdagang impormasyon mula sa iyo - Maaaring kabilang dito ang:

Paano Ako Mag-apela?

Ang apela ay ang iyong pagkakataon na bigyan kami ng karagdagang impormasyon o ipaliwanag kung bakit hindi ka sumasang-ayon sa aming pagpapasiya. Upang mag-apela, magsulat ng isang liham sa amin sa loob ng 60-araw mula noong natanggap mo ang iyong liham ng pagpapasiya. Isama ang lahat ng impormasyon na hiniling namin. Siguraduhing isama ang:

  • Buong pangalan ng aplikante, kasalukuyang address at ang address ng nasirang tirahan.
  • Ang 9-digit na numero ng aplikante sa pagpaparehistro sa FEMA, na matatagpuan sa itaas ng liham ng pagpapasiya (sa bawat pahina).
  • Anumang nauugnay na dokumentasyon na sumusuporta sa iyong kahilingan, tulad ng mga tantiya ng kontratista, tseke sa renta, sulat sa seguro, mga ulat sa inspeksyon, mga litrato ng pinsala o resibo.
  • Numero ng deklarasyon ng sakuna ng FEMA, DR-4749-IL (ilagay ito sa bawat pahina).
  • Lagda ng aplikante at ang petsa.

​​​​​​​Mayroong apat na paraan upang isumite ang iyong mga liham ng apela at mga sumusuportang dokumento:

Email

FEMA - Pambansang Sentro ng Serbisyo sa Pagpoproseso ng Programa ng Mga Indibidwal at Sambahayan  
PO Box 10055 
Hyattsville, MD 20782-8055

Online

  • Bumisita sa DisasterAssistance.gov upang lumikha ng isang account kung saan maaari kang mag-upload ng mga dokumento.   

Sa Personal

  • Maaari mong dalhin ang iyong kahilingan sa apela sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna. Hanapin ang pinakamalapit na Sentro ng Pagbawi sa Sakuna sa pamamagitan ng pagbisita sa www.fema.gov/drc.

Sa pamamagitan ng Fax

  • I-fax ang iyong sulat ng apela at mga sumusuportang dokumento sa (800) 827-8112, Pansin: FEMA - Programa ng Mga Indibidwal at Sambahayan

Nagbibigay ang FEMA ng pinansyal na tulong sa mga karapat-dapat na indibidwal at sambahayan na naapektuhan ng sakuna na may hindi nakaseguro o may kakulangan sa seguro na gastos na nauugnay sa sakuna. Ang tulong ng FEMA ay hindi katulad ng seguro, at hindi rin nito maibabalik ang tahanan ng nakaligtas sa kondisyon nito bago ng sakuna.

Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa iyong liham ng FEMA o sa proseso ng apela, bumisita sa isang Disaster Recovery Center (Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) o tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng isang serbisyo ng relay tulad ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag nag-apela ka. Ang huling araw para mag-apply para sa tulong ng FEMA ay Enero 19, 2024. Patuloy na tatanggapin ng FEMA ang mga apela at tutulungan ang mga aplikante sa mga katanungan pagkatapos ng deadline.

                                                                                         ###

Ang tulong sa pagkabawi mula sakuna ay magagamit nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at tagapagsalin ng American Sign Language (wikang pasenyas ng Amerika) upang matiyak ang epektibong komunikasyon sa mga aplikante na may limitadong kasanayan sa Ingles, kapansanan, at mga pangangailangan sa pag-access at pagiging functional. Kung ikaw o isang taong kilala mo ay naidiskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.

Tags:
Huling na-update noong