$820M Pederal na Tulong sa Anim na Buwan para sa Pagbawi ng Hurricane Idalia

Release Date Release Number
60
Release Date:
March 12, 2024

Anim na buwan matapos tumama ng Bagyong Idalia sa Florida Big Bend bilang isang pangunahing bagyo na may Kategorya 3, ang FEMA at ang mga pederal na kasangga nito ay nagbigay ng higit sa $820 milyon upang makatulong sa pagbawi sa sakuna. 

Nagbigay ang FEMA ng $82.5 milyon sa Individual Assistance (Tulong Pang-Indibidwal) na pondo ng grant sa higit sa 35,000 karapat-dapat na nakaligtas. Mahigit sa 7,000 ng mga nakaligtas ang binigyan ng tulong sa pag-upa upang makatulong na magbayad para sa tirahan habang inaayos o muling binubuo nila ang kanilang nasira sa bahay. 

Nagbigay ang FEMA ng $295 milyon na Public Assistance (Tulong sa Publiko) na pondo ng grant sa estado ng Florida upang matulungan ang mga pang-estado at panlokal na pamahalaan at ilang mga nonprofit na may mga proyekto na pagtugon sa emerhensya. Marami pang mga proyekto ang binubuo. 

Inaprubahan ng US Small Business Administration (Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) ang $78.6 milyon sa mga pautang sa sakuna na may mababang interes para sa mga may-ari ng bahay, umuupa, may-ari ng negosyo at pribadong organisasyong na walang kinikita. 

Sa 5,210 na mga claim na isinumite, isinara ng National Flood Insurance Program (Pambansang Programa ng Seguro sa Pagbaha) ang 98% ng mga kaso at nagbayad ng $364 milyon sa mga may hawak ng patakaran upang maibalik ang mga tahanan at negosyo. Sa kabuuan, pinayuhan ng mga koponan ng Hazard Mitigation Community Education Outreach (Pagkakawanggawa sa Edukasyon para sa Komunidad ng Pagbabawas sa Panganib) ang higit sa 12,000 ng mga nakaligtas tungkol sa kahalagahan ng seguro sa pagbaha at iba pang mga hakbang sa pagbabawas.

Mahigit sa 230 miyembro ng kawani ng FEMA ang naka-deploy sa estado, na nakikipagtulungan sa Florida Division of Emergency Management (Dibisyon ng Pangangasiwa ng Emeryhensya sa Florida) at iba pang mga kasangga sa pagbawi mula sa Idalia.

Kaagad pagkatapos ng bagyo, ang mga koponan ng FEMA Disaster Survivor Assistance (Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna ng FEMA) ay nag Punta sa mga naapektuhan na munidid upang matulungan ang mga nakaligtas na mag-apply para sa tulong. Ang mga inspektor ng FEMA ay nagsagawa ng higit sa 42,000 na inspeksyon ng bahay para sa mga nakaligtas na nag-apply para sa pederal na tulong sa sakuna. 

Sa mga county ng Dixie, Gilchrist, Hamilton, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Suwannee at Taylor, ang FEMA ay nagbibigay ng pansamantalang pabahay sa mga karapat-dapat na nakaligtas na ang mga tahanan ay hindi matitirahan dahil sa bagyo. Noong Enero 23, ang lahat ng karapat-dapat na nakaligtas ay binigyan ng mga pansamantalang yunit ng pabahay ng FEMA.

Pinapatakbo ng FEMA ang 38 Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna), kabilang ang 18 mobile recovery center (napakikilos na sentro ng pagbawi), na may halos 20,000 pagbisita ng mga nakaligtas. 

Habang nagdulot ng malalaking epekto ang Bagyong Idalia sa mga komunidad sa kanayunan na may malawak at iba't ibang tanawin ng agrikultura, binuksan ng FEMA at ng estado ng Florida ang dalawang Farmer Recovery Center (Sentro ng Pagbawi ng Magsasaka) upang mas mahusay na maglingkod sa mga magsasaka. Ang mga sentro ay nagsisilbi bilang isang one-stop help shop o isang tanggapan na nagbibigay ng maraming serbisyo kung saan makakausap ng mga magsasaka ang maraming mga ahensya ng pederal at estado tungkol sa mga magagamit na mapagkukunan upang matulungan sila sa kanilang pagbawi.

Patuloy na nakikipagtulungan ang FEMA sa mga pederal, estado, lokal na pamahalaan at boluntaryong organisasyon sa isang patuloy na batayan upang makilala ang mga hindi natutugunan na pangangailangan ng mga nakaligtas, at upang makatulong na pangasiwaan ang magagamit na tulong at mapagkukunan.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bisitahin ang floridadisaster.org/info at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X, dating Twitter, sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong