FAQ: UPDATE SA PAGBABAYAD SA RENTA NG DIREKTANG PABAHAY [https://www.fema.gov/tl/fact-sheet/faq-direct-housing-rental-payment-update] Release Date: Apr 11, 2025 Release Number: FS-054 Kung ikaw ay nakaligtas sa 2023 Maui wildfire, at nasa Direct Housing Program ng FEMA, ang sumusunod na impormasyon ay maaaring makatulong na gabayan ka sa proseso ng pagbabayad sa renta. Ang pagbabayad sa renta ay kinakailangan para sa lahat ng mga kalahok sa Direct Housing. Ang pagkabigo sa pagbabayad ng iyong renta sa oras ay maaaring magresulta sa pagkawala ng iyong rate ng pinababang renta, pati na rin ang posibleng pag-alis mula sa pansamantalang programa ng pabahay ng FEMA at sa iyong kasalukuyang yunit. Q&A: MGA PAGPIPILIAN AT MGA TAGUBILIN SA PAGBABAYAD SA RENTA Q. KAILAN KINAKAILANGANG MAGBAYAD NG RENTA ANG MGA KALAHOK NG DIRECT HOUSING?  A. Sa MARSO 1, 2025, kinakailangang simulan ng lahat ng mga sambahayan ng Direct Housing ang pagbayad ng buwanang renta sa FEMA.   Q. PAANO MATATANGGAP NG MGA KALAHOK ANG KANILANG STATEMENT SA RENTA?  A. Makakatanggap ang mga sambahayan ng kanilang mga statement sa renta sa kanilang kasalukuyang mailing address, at makukuha ng aplikante ang kanilang mga bill statement sa pamamagitan ng pag-sign-in sa kanilang FEMA account online at pagtingin sa ilalim ng kasalukuyang mga komunikasyon. Kung walang online account ang aplikante, maaari nilang bisitahin ang isa sa dalawang front facing center na matatagpuan sa Office of Recovery Lahaina Gateway Center o Kakoo Maui sa Maui Mall at makakatulong ang isang kinatawan ng FEMA.  Q. PAANO IPAPADALA NG MGA KALAHOK ANG KANILANG BAYAD SA RENTA?  * Telepono:       * Tumawag sa 866-804-2469 LUNES HANGGANG BIYERNES mula 9 NG UMAGA HANGGANG 4 NG GABI EST (ANG EST AY KASALUKUYANG ANIM NA ORAS BAGO ANG ORAS NG HAWAII.) * Tinatanggap na mga pamamaraan ng pagbabayad * Bank account (ACH) * Debit o credit card * Check o Money Order na Ibabayad sa FEMA:          * U.S. Mail: FEMA, PO Box 6200-16, Portland, OR 97228-6200                                   O  * Overnight Delivery/Courier Payments:    U.S. BANK-Government Lockbox, ATTN: DHS-FEMA-6200-16, 17650 NE Sandy Blvd, Portland, OR 97230 * Ibalik ang US Department of the Treasury Check sa pamamagitan ng U.S. Mail: * U.S. Department of the Treasury, ATTN: Treasury Check Return,  Post Box 51318, Philadelphia, PA 19115 * Elektronikong Pagbabayad: * Online sa WWW.PAY.GOV [https://www.pay.gov/public/home] * Tinanggap na mga paraan ng pagbabayad sa online: * Bank account (ACH) * PayPal account * Venmo account * Debit o credit card Q. PAANO MAGBABAYAD ANG MGA KALAHOK NG ELEKTRONIKONG BAYAD SA RENTA, O E-PAYMENT? * Pumunta sa www.pay.gov [https://www.pay.gov/public/home] * I-type ang “FEMA” sa search box _(puting kahon na matatagpuan sa kanang itaas ng pahina_) * Sa Search Results, hanapin ang FEMA Finance Center – Payment Form * I-click ang [Magpatuloy] * I-click ang [Magpatuloy sa Form] * Kumpletuhin ang Form ng Ahensya * Ang Notice and Debt Letter (NDL) # ay nasa iyong sulat sa ilalim ng address. Ang numerong ito ay magbabago buwan-buwan. * I-click ang [Magpatuloy] * Kumpletuhin ang Form ng Pagbayad * Opsyon para ipasok ang email address upang makatanggap ng kumpirmasyon sa email * I-click ang [Magpatuloy] * Kumpleto na ang proseso Q. MAAARI BANG MAG-SET UP ANG MGA KALAHOK NG AWTOMATIKONG ELEKTRONIKONG PAGBABAYAD SA RENTA, O AUTO-PAY? A. Ang auto-pay ay hindi magagamit na pagpipilian sa panahong na ito. Q. MAAARI BA AKONG MAGBAYAD GAMIT ANG CASH? A. Hindi, hindi tatanggapin ang mga pagbabayad sa cash.  Q: MAAARI BA AKONG MAGBAYAD PARA SA RENTA NG IBANG SAMBAHAYAN?  A: Oo, kakailanganin mong gumawa ng hiwalay na pagbabayad dahil ang bawat sambahayan ay may sariling numero ng account. Kung ipinadala sa pamamagitan ng tseke, mangyaring isama ang ikatlong pahina mula sa sulat ng Abiso at Utang at isulat ang NDL# sa linya ng memo ng tseke. Q. KAILAN KAILANGAN DAPAT MABAYARAN ANG RENTA? A.  Dapat mabayaran ang renta sa loob ng 30 araw mula sa una ng bawat buwan.  Q. PAANO KUNG ANG ISANG KALAHOK AY NAGBAYAD PAGKATAPOS NG 30 ARAW? A. Ang mga pagbabayad na ginawa pagkatapos ng ika-1 ng bawat buwan ay ituturing na huli at napapailalim sa isang multa sa huli na bayad na katumbas ng FMR ng yunit na kanilang tinitirahan pati na rin ang mga nauugnay na bayarin sa penaltiya na may kinalaman sa buwanang gastos para sa unit, hal. bayarin sa Property Management Company, bayarin sa Performance Maintenance Inspection, bayarin sa kagamitan, at mga utilidad.  Kung hindi nagbabayd ang sambahayan ng HUD Fair Market Rent at lahat ng nauugnay na bayarin nang buo, tatanggalin sila mula sa kanilang kasalukuyang yunit at mula sa Direct Housing Program ng FEMA.  Q. PAANO KUNG NAIS KONG UMALIS SA AKING FEMA TEMPORARY HOUSING UNIT?  A. Kung nakakuha ka ng permanenteng pabahay o nais mong iwanan ang iyong yunit ng FEMA para sa ibang dahilan, ipaalam sa iyong tagapayo sa resertipikasyon. Kung iniwan mo ang yunit sa pagtatapos ng buwan, hindi ka responsable para sa renta sa susunod na buwan. Hindi pino-prorate ng FEMA ang buwanang renta. Kung lumabas ka sa iyong yunit ng FEMA sa anumang punto sa buong buwan, responsable ka para sa buong halaga ng renta para sa buwan na iyon.  Q. KANINO AKO MAKIKIPAG-UGNAYAN KUNG MAYROON AKONG MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA KUNG PAANO MAGBAYAD? A. Tumawag sa FEMA Finanace sa 866-804-2469, LUNES HANGGANG BIYERNES MULA 9:00 NG UMAGA HANGGANG 4:00 NG HAPON EST. (ANG EST AY KASALUKUYANG ANIM NA ORAS BAGO SA ORAS NG HAWAII) o mag-email sa FEMA-Finance-AccountsReceivable-Deposits@FEMA.dhs.gov. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo sa subtitle, o iba pang mga serbisyo sa komunikasyon, mangyaring ibigay sa FEMA ang partikular na numero na itinalaga para sa serbisyong iyon.