YUGTO 1 NG PROGRAMANG PAGTANGGAL NG MGA LABI? [https://www.fema.gov/tl/fact-sheet/phase-1-debris-removal-program] Release Date: Feb 3, 2025 Release Number: FS 011 Ang Yugto 1 ng Programang Pagtanggal ng mga Labi [https://recovery.lacounty.gov/debris-removal/] ng Los Angeles County ay isinasagawa. Pinamumunuan ng U.S. ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY (U.S. EPA), ang programang ito ay nagtatanggal ng mga karaniwang bagay sa sambahayan na nasunog sa mga wildfire na maaaring nangangailangan ng ligtas na pag-aalis. Habang ang bahay na nasunog ay nililinis, ang mga karaniwang bagay sa sambahayan ay tinatanggal ng U.S. EPA upang tumulong na malinis ang mga ari-arian bilang paghahanda para sa muling pagtatayo. Ang mga bagay na ito ay ang uri ng mga karaniwang pang-araw-araw na materyal na dinadala ng mga residente sa itinalagang mga pasilidad ng pagkolekta para sa wastong pagtapon. MGA BAGAY NA MAAARING TANGGALIN MULA SA TIRAHAN: MGA BAGAY SA SAMBAHAYAN: ILANG PRODUKTO NA KABILANG ANG MGA BATERYANG LITHIUM-ION: * Pintura * Mga Panlinis at Solvent * Mga langis * Mga baterya * Mga pestisidyo * Asbestos * Pressurized Fuel Cylinder (iyon ay mga Propane Tank) * Electric/hybrid na mga sasakyan * Electric na mga bisikleta * Mga hoverboard * Mga wheelchair * Mga digital na kamera * Mga alarma sa bahay * Mga power back o istasyon PAANO TINATANGGAL ANG MGA BAGAY NA ITO? Ang isang pangkat ng U.S. EPA ay magsusuri sa iyong ari-arian, tutukuyin ang mga labi at mamarkahan ito para sa pagtapon. Saka, ilalagay ng ikalawang pangkat ang mga nakakalat na labi sa isang ligtas na sisidlan at tatanggalin ito. Kasunod ng pagtanggal, ang nakolektang mga labi ay dadalhin sa isang malapit na lugar ng paglipat kung saan ang mga ito ay paghihiwa-hiwalayin at mabilis na ihahatid sa isang pinal na lokasyon na tapunan. Sa buong prosesong ito, ang lokal, pang-estado, at pederal na mga partner ay patuloy na magtatrabahong magkakasama upang suriin ang hangin, tubig, at lupa upang tiyakin na ligtas. ANO ANG MANGYAYARI PAGKATAPOS NG YUGTO 1?   [USEPA hazardous materials removal complete sign in wildfire debris] Sa sandaling matukoy at matanggal ng mga pangkat ng EPA ang mga labi, ang pangkat ay maglalagay ng tanda sa iyong ari-arian na nagsasaad na ang pagtanggal ay nakumpleto na. Sa sandaling makumpleto ang yugtong ito, makikita ng mga may-ari ng bahay na lumahok sa programang pagtanggal ng mga labi ang pagsisimula ng Yugto 2. Sa Yugto 2 ang US Army Corps of Engineers ay nagtatanggal ng mga natitirang labi mula sa lote. Kakailanganin ng mga may-ari ng bahay na hindi lumahok sa programang kaugnay ng mga labi na gumawa ng kanilang sariling pagtanggal ng mga labi. Ang Yugto 1 ay isang napakahalagang hakbang sa proseso ng pagbangon. Ang pagtanggal ng mga labi ay tutulong na panatilihing ligtas ang mga komunidad laban sa mapanganib na alikabok at magpapahintulot sa mga survivor na magsimula sa muling pagtatayo sa pinakamaagang panahon na posible. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagtugon sa wildfire ng U.S. EPA, bisitahin ang: 2025 California Wildfires | US EPA [https://www.epa.gov/ca/2025-california-wildfires].