ANG PAGGAMIT NG IYONG GAWAD NG FEMA AYON SA LAYUNIN NITO [https://www.fema.gov/tl/fact-sheet/using-your-fema-grant-its-intended-purpose] Release Date: Jan 23, 2024 Ang tulong sa sakuna ng FEMA ay inilaan upang matulungan kang gawing ligtas, malinis at gumagana ang iyong tahanan pagkatapos ng isang sakuna. Minsan hindi nito sakop, o hindi ito magagamit para sa, lahat ng iyong mga gastos. Makakatanggap ka ng isang sulat na nagpapaliwanag kung paano mo magagamit ang iyong gawad sa loob ng isa o dalawang araw pagkatanggap ng bayad mula sa FEMA. PARA SAAN MAGAGAMIT ANG AKING GAWAD? Nagbibigay ang FEMA ng pinansyal na tulong sa mga karapat-dapat na indibidwal at kabahayan na naapektuhan ng sakuna na walang seguro o may kakulangan sa seguro na gastos na nauugnay sa sakuna. Ang tulong ng FEMA ay hindi katulad ng seguro at hindi rin nito maibabalik ang lahat ng nawala mo sa kalamidad. Depende sa iyong sitwasyon, ang tulong sa iyo ay maaaring gamitin para sa: * Pag-aayos ng bahay (hal., istraktura, sistema ng tubig, septiko at imburnal) * Ang mga gawad sa sakuna na inilaan para sa pag-aayos sa bahay ay hindi maaaring gamitin para sa regular na gastos sa pamumuhay, tulad ng mga utility (hal. kuryente), pagkain, mga bayarin na pangmedikal o pangdental, pagbiyahe, libangan, o anumang gastos na hindi direktang nauugnay sa sakuna. * Tulong sa pag-upa para sa ibang lugar upang pansamantalang manirahan; * Pagkumpuni o pagpapalit ng nasirang pangunahing sasakyan; * Hindi nakaseguro na gastos pangmedikal na mula sa bulsa para sa pinsala na dulot ng sakuna; * Pagkumpuni o pagpapalit ng mga espesyal na kasangkapan para sa trabaho; * Mahahalagang gamit na pang-edukasyon (hal., kompyuter, aklat-aralin, supply); * Mga gastos sa paglipat at pag-iimbak na may kaugnayan sa sakuna. KAILANGAN KO BANG SUBAYBAYAN KUNG PAANO KO GINUGUGOL ANG AKING GAWAD? Ang FEMA ay nagsasagawa ng regular na pag-audit ng mga gawad sa tulong. Kung ang isang gawad ay hindi ginamit sa layunin nito ayon sa batas, o tumanggap ka ng kaparehong tulong mula sa ibang mapagkukunan, maaari naming hilingin sa iyo na ibalik ang gawad. Ayon sa batas, hindi maaaring kopyahin ng FEMA ang mga pagbabayad o benepisyo mula sa ibang mga mapagkukunan, tulad ng seguro, mga donasyong kawanggawa o mga programa ng pagtulong na inisponsor ng estado. Kung una kang nakatanggap ng gawad para sa isang gastos na kalaunan ay binayaran ng iyong seguro, kailangan mong ibalik ang gawad na iyon sa FEMA. Siguraduhing itala kung paano mo ginamit ang iyong mga pondo sa sakuna at itago ang lahat ng mga resibo nang hindi bababa sa tatlong taon. Ang iyong gawad ng FEMA ay pinondohan ng mga nagbabayad ng buwis. Kung ginugugol mo ang iyong gawad sa anumang bagay maliban sa layunin kung saan ito inilaan, maaaring hindi ka maging karapat-dapat para sa tulong sa sakuna sa hinaharap. ANO ANG GAGAWIN KO KUNG MAYROON AKONG MGA TANONG TUNGKOL SA AKING TULONG? Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong gawad o anumang iba pang bahagi ng proseso ng tulong, bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna o tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng isang serbisyo ng relay tulad ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag tumawag ka. Hanapin ang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna na pinakamalapit sa iyo: fema.gov/drc [https://www.fema.gov/drc] Ang huling araw para mag-apply para sa tulong ng FEMA ay Pebrero 9, 2024. Patuloy na tutulungan ng FEMA ang mga aplikante sa mga katanungan pagkatapos lumipas ang deadline.                                                                                   ### Ang tulong sa pagbawi mula sa sakuna ay makukuha nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at mga tagapagsalin ng American Sign Language (Wikang Pasenyas ng Amerika) ay magagamit upang matiyak ang epektibong komunikasyon sa mga aplikante na may limitadong kasanayan sa Ingles, kapansanan, at mga pangangailangan sa pag-access at pagpapaandar. Kung ikaw o isang taong kilala mo ay nakaranas ng diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.