ANG AASAHAN PAGKATAPOS MAG-APPLY SA FEMA [https://www.fema.gov/tl/fact-sheet/what-expect-after-applying-fema] Release Date: Dec 5, 2023 Isaisip ang mahahalagang hakbang habang nagna-navigate ka sa iyong proseso ng tulong ng FEMA:  * HUWAG MAGHINTAY UPANG SIMULAN ANG PAGLILINIS. Kunan ng litrato ang anumang pagkasira, gumawa ng listahan ng iyong pagkawala at itago ang lahat ng resibo upang beripikahin ang mga gastos na naidulot ng sakuna. * MAG-FILE NG ISANG CLAIM SA SEGURO. Ang mga aplikante na may seguro para sa mga sira sa kanilang bahay na dulot ng sakuna ay dapat magpakita ng kasunduan sa seguro o dokumento ng benepisyo sa FEMA bago maikonsidera para sa tulong pederal.    * MAG-APPLY SA FEMA. Ang mga may-ari ng bahay at umuupa sa Cook County na walang seguro o may kakulangan sa seguro sa pagkasira na naidulot ng sakuna noong Setyembre 17-18, 2023 ay hinihikayat na mag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA. Mag-online sa DisasterAssistance.gov [http://www.disasterassistance.gov/], gamitin ang mobile app ng FEMA [https://www.fema.gov/about/news-multimedia/mobile-app-text-messages] o tumawag sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. TANDAAN: Kung nag-apply ka para sa tulong ng FEMA pagkatapos ng sakuna noong tag-init at ang iyong bahay ay naapektuhan ng bagyo at pagbaha noong Setyembre, kailangan mong mag-apply ulit sa FEMA upang maikonsidera para sa karagdagang tulong. * ISKEDYUL ANG IYONG INSPEKSYON SA BAHAY. Kadalasan, pagkatapos mong mag-apply, tatawagan kayo ng isang inspektor ng FEMA upang mag-iskedyul ng isang appointment. Siguraduhin mong sagutin ang telepono. Ang numero ng inspektor ay maaaring mula sa labas ng estado o makita sa caller ID na “unavailable.”  * MAG-IPON NG IMPORMASYON PARA SA INSPEKSYON. Maging handa na ipakita sa inspektor ang iyong pagkakakilanlan na may litrato; patunay ng pagmamay-ari o pagsaklaw [https://www.fema.gov/assistance/individual/after-applying/verifying-home-ownership-occupancy]; isang listahan ng mga nakatira sa bahay sa panahon ng sakuna; lahat ng sira sa pag-aari na naidulot ng sakuna; at ang iyong patakaran sa seguro. Kung mayroon kang mga litrato ng pagkasira sa sakuna o resibo ng pagpapa-ayos, mangyaring ihanda rin ang mga iyon para ipakita.    * MAKIPAGKITA SA INSPEKTOR. Kasama sa inspeksyon ang pagtingin sa mga lugar na nasira ng sakuna sa iyong bahay at pagsusuri sa iyong mga talaan. Ang mga inspektor ng FEMA ay nagdadala ng isang opisyal na ID na may litrato at hinding-hindi na manghihingi ng impormasyon sa bangko. Hinding-hindi rin sila hihingi ng pera at mangangailangan ng kabayaran sa kahit anong paraan. Pagkatapos dumating, hihiling ang inspektor na beripikahin ang pangalan ng aplikante pati na rin ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan, pagsaklaw, katayuan ng pagmamay-ari at saklaw ng seguro. Ang mga makatwirang akomodasyon, kabilang ang mga pagsasalin at interpretasyon sa ASL (Wikang Pasensyas ng Amerika), ay magagamit upang siguraduhin ang epektibong komunikasyon sa mga nakaligtas.  * FILL-UPAN AG ISUMITE ANG IYONG APLIKASYON SA PAUTANG SA U.S. SMALL BUSINESS ADMINISTRATION (SBA O ADMINISTRAYON NG MALILIIT NA NEGOSYO). Pagkatapos magrehistro para sa tulong sa sakuna, maaaring mai-refer ang mga aplikante sa SBA. Walang obligasyon na tumanggap ng isang pautang, ngunit maaari mong makaligtaan ang pinakamalaking mapagkukunan ng pederal na pondo ng pagbawi sa sakuna kung hindi ka mag-apply. Kung hindi ka maging kwalipikado para sa isang pautang sa sakuna ng SBA, maaari kang mai-refer pabalik sa FEMA para sa iba pang uri ng tulong sa grant. * PAGKATAPOS NG INSPEKSYON. Tatanggap ka ng sulat na nagpapaliwanag ng desisyon ng FEMA sa pagiging karapat-dapat sa loob ng 10 araw pagkatapos ng pagbisita ng inspektor. Siguraduhin na basahin ito nang maigi; maaari nitong ipaliwanag ang mga kinakailangang karagdagang hakbang upang ipagpatuloy ang proseso. Kung ikaw ay natukoy na kwalipikado para sa tulong, maaari kang makatanggap ng isang tseke mula sa U.S. Treasury (Kaban ng Estados Unidos) o direktang deposito base sa anuman na iyong pinili noong panahon ng iyong aplikasyon. Upang matuto pa tungkol sa proseso ng inspeksyon, bumisita sa aming website sa www.fema.gov/assistance/individual/after-applying/home-inspections [http://www.fema.gov/assistance/individual/after-applying/home-inspections] . Ang huling araw para mag-apply para sa tulong ng  FEMA ay Enero 19, 2024. Para sa iba pang karagdagang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbawi sa sakuna sa Illinois, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4749 [http://www.fema.gov/disaster/4749]. ### _Ang tulong sa pagkabawi mula sa sakuna ay magagamit nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at tagapagsalin ng American Sign Language (wikang pasenyas ng Amerika) gamit ang Serbisyong Relay ng Bidyo ay magagamit upang masigurado ang epektibong komunikasyon sa mga aplikanteng may limitasyon sa kasanayan sa Ingles, kapansanan, daanan at functional na pangangailangan. Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362 (kabilang ang 711 o Relay ng Bidyo)._