NAANTALANG SETTLEMENT NG SEGURO [https://www.fema.gov/tl/fact-sheet/delayed-insurance-settlement] Release Date: Nov 14, 2023 Huwag ipagpaliban ang pag-aaply para sa tulong ng FEMA habang hinihintay mo ang iyong settlement sa seguro. Ang huling araw para mag-apply ay Nobyembre 29, 2023. Kung ang isang desisyon sa iyong settlement sa seguro para sa pagkasira na idinulot ng sakuna ay naantala ng higit sa 30 araw mula sa panahon na nag-file ka ng claim, maaari kang maging karapat-dapat para sa isang paunang bayad sa seguro mula sa FEMA. Itong mga pondo ay kinukunsiderang pautang at dapat ibayad sa FEMA sa oras na natanggap mo na ang settlement mula sa iyong kompanya ng seguro.  Habang hindi kaya ng FEMA na magbigay ng tulong para sa mga pangangailan na idinulot ng sakuna na sakop ng benepisyo sa sakuna, maaaring matugunan ng FEMA ang mga agarang pangangailangan habang naantala ang mga benepisyo sa seguro.  * Ang mga aplikanteng nagpapakita na ang kanilang settlement sa seguro ay lubhang naantala (30 araw o higit pa mula sa petsa na naihain ang claim) nang hindi nila kasalanan ay maaaring ikunsidera para sa paunang tulong sa pag-upa. * Ang mga aplikanteng tumatanggap ng tulong bago matanggap ang kanilang settlement sa seguro ay dapat sumang-ayon na bayaran ang FEMA kapag natanggap ang kanilang settlement sa seguro. Ang mga aplikante ay kinakailangang ipaalam sa FEMA ang lahat ng saklaw ng seguro (baha, may-ari ng bahay, sasakyan, gumugulong na bahay, medikal, paglibing, atbp.) na maaari nilang magamit upang matugunan ang kanilang pangangailangan na idinulot ng sakuna. Kung naantala ang iyong settlement sa seguro, kontakin mo ang FEMA para sa isang Kahilingan para sa Paunang Bayad at isang nakapirma na liham, na dapat nakumpleto at ibinalik bago masuri ng FEMA ang iyong kahilingan para sa tulong.  Tumawag ng libreng toll sa 800-621-3362, pumunta sa online sa DisasterAssistance.gov, [https://www.disasterassistance.gov/] i-download ang App [https://www.fema.gov/about/news-multimedia/mobile-products] ng FEMA para sa mga mobile na aparato o bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna. Ang linya ng telepono ay bukas araw-araw mula 7 n.u. hanggang 10 n.g. sa Silangang Pamantayang Oras. Ang tulong ay maaaring makuha sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng VRS o serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.