MGA SENTRO NG PAGBAWI MAGBUBUKAS SA HARVEY AT MAYWOOD [https://www.fema.gov/tl/press-release/20231020/recovery-centers-opening-harvey-and-maywood] Release Date: October 20, 2023 CHICAGO - Dalawang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna ang nakatakdang magbukas sa publiko sa Lunes, ika-23 ng Oktubre, 2023. Ang mga sentro na sama-samang pinapatakbo ng Federal Emergency Management Agency (FEMA o Ahensya ng Pangangasiwa ng Pederal na Emerhensya) at ng Estado ng Illinois, ay bibigyan ng mga pampederal at pang-estadong opisyal bilang mga tauhan na nakahandang tumulong sa mga nakaligtas sa kanilang pagbawi mula sa bagyo at pagbaha noong Hunyo 29 - Hulyo 2. LOKASYON SA HARVEY: Mataas na Paaralan ng Thornton Township Gusali T107 15001 Abenida ng Broadway Harvey, IL 60426  Bukas: Lunes hanggang Sabado, 8 n.u. hanggang 5 n.h.   LOKASYON SA MAYWOOD: Sentro ng Libangan ng Lightford 809 Kalyeng Madison Maywood, IL 60153 Bukas: Lunes hanggang Biyernes, 8 n.u. to 5 n.h. Ang mga espesyalista ng pagbawi mula sa FEMA, sa U.S. Small Business Administration (Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) at sa mga pang-estadong ahensya ng Illinois ay magagamit upang tumulong sa mga may-ari ng bahay, umuupa, at mga may-ari ng negosyo sa Cook County na mag-apply para sa tulong pederal at makatanggap ng impormasyon tungkol sa tulong na kanilang makukuha. Ang mga nakaligtas ay maaaring mag-upload ng mga dokumento, matutunan kung paano nila magagawang mas matibay ang kanilang pag-aari laban sa sakuna, at masagot ang kanilang mga tanong sa personal. Ang sinumang nangangailangan ng makatwirang tulong (pagsasalin sa ASL, Braille, malaking letra, atbp.) o isang tagasalin sa ibang wika ay maaaring tumawag sa 800-621-3362 para humingi ng tulong nang maaga o humingi ng tulong sa mga kawani ng sentro.  Hindi lang mga Sentro ng Pagbawi ang paraan para makakuha ng tulong mula sa FEMA. Ang Linya ng Tulong ng FEMA, 800-621-3362, ay mayroong mga multilinggwal na operator na nakahandang tumulong sa mga nakaligtas sa pagpaparehistro at sa anumang iba pang katanungan na maaaring mayroon sila. Ang mga nakaligtas ay maaari ring gamitin ang DisasterAssistance.gov [http://www.disasterassistance.gov/] o ang App ng FEMA sa kanilang mga telepono.  Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa operasyo ng pagbawi sa sakuna sa Illinois, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4728 [http://www.fema.gov/disaster/4728]. Ang huling araw para magrehistro sa FEMA ay OKTUBRE 30, 2023. ### _Ang tulong sa pagkabawi mula sa sakuna ay magagamit nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at tagapagsalin ng American Sign Language (wikang pasenyas ng Amerika) gamit ang Serbisyong Relay ng Bidyo ay magagamit upang masigurado ang epektibong komunikasyon sa mga aplikanteng may limitasyon sa kasanayan sa Ingles, kapansanan, daanan at functional na pangangailangan. Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362 (kabilang ang 711 o Relay ng Bidyo)._