TULONG NG FEMA LUMAGPAS NG $304 MILYON PARA SA COOK COUNTY [https://www.fema.gov/tl/press-release/20231019/fema-assistance-tops-304-million-cook-county] Release Date: October 19, 2023 CHICAGO – Ang pederal na tulong sa mga residente ng Cook County na naapektuhan ng matinding bagyo at pagbaha noong Hunyo 29 – Hulyo 2 ay lumagpas na ng $304 milyon. Itong halaga ay kinabibilangan ng mga gawad ng FEMA na higit sa $235 milyon sa mga Pang-Indibidwal at Pansambahayan na gawad para sa tulong sa pag-upa, pondo sa pagpapagawa at pagpalit, at gawad para sa iba pang pangangailangan na tumutulong sa pagpalit ng personal na pag-aari at pagbibigay ng kabayaran sa imbakan at pangangalaga ng bata. Ang pagpupuno sa gawad ng FEMA ay higit sa $69 milyon sa mababang-interes na pautang sa sakuna ng Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) para sa mga may-ari ng bahay at negosyo. Heto ang isang snapshot o rekord ng tulong sa sakuna ng FEMA mula ng Oktubre 19: * Higit sa $235.3 milyon ay inapruba para sa pinansyal at direktang serbisyo sa mga kwalipikadong nakaligtas na may walang-seguro o may kakukalangan sa segurong pangangailangan at gastusin na sanhi ng sakuna. Sa halagan iyon, ang $200.9 milyon ay para sa tulong sa pabahay. Kabilang dito ang: * Pondo para sa pansamantalang pabahay, tulad ng tulong sa pag-upa o gastos sa hotel para sa mga nakaligtas na hindi makakatira sa kanilang mga bahay dahil sa sobrang pinsala na idinulot ng pagbaha sa tag-init;  * Pondo para sa pagpapagawa ng isang bahay na tinitirhan ng may-ari na gawin itong ligtas at matitirahan; * Pondo na tutulong sa paglipat at pag-imbak ng mga gamit pambahay o kinakailangang personal na ari-arian; * Tulong pinansyal para tulungan ang mga may-ari ng bahay sa paglilinis at sanitasyon ng mga minimal na nasirang bahay; * Ang mga natitirang pondo ay ginamit bilang:  * Pangmedikla o pangdental na gastos na dinulot ng sakuna. * Tulong para sa pangangalaga ng bata, limitado sa walong linggo.  Simula noong ika-18 ng Oktubre, ginawaran ng U.S. Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) ang $64.8 milyon sa mababang-interes na pautang sa sakuna sa mga may-ari ng bahay na ang kanilang bahay ay nagtamo ng mas malawak at magastos na pinsala maaaring masakop ng gawad ng FEMA. Ginawaran din ng SBA ang higit sa $4.2 milyon sa pautang sa sakuna para tulungan ang mga negosyong makabangon muli. Ang mga nakaligtas ay dapat makatanggap ng tulong kung saan sila karapat-dapat. Kung ikaw ay hindi pa nakokontak ng FEMA, siguraduhin mong mag-apply para sa tulong SA O BAGO NG OKTUBRE 30: * Pumunta sa online sa DisasterAssistance.gov [https://www.disasterassistance.gov/].  * Gamitin ang mobile app ng FEMA.  * Tumawag sa tulong pansakunang Linya ng Tulong sa 800-621-3362. NAKAHANDA PARA SA IYO ANG MGA MULTILINGGWAL NA OPERATOR. Kung ikaw ay gumagamit ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.  * Bumisita sa isang Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna). Ang mga sentro ay nagsisibiling sentro ng maraming serbisyo para sa mga nakaligtas na nangangailangan ng isa-sa-isang tulong. Ang mga nakaligtas ay maaaring bumisita sa kahit anong sentro para sa tulong. Upang makahangp ng mga lokasyon ng sentro at ang kanilang kasalukuyang oras, bumisita sa FEMA.gov/DRC [https://www.fema.gov/DRC].    ### _Ang tulong sa pagkabawi mula sa sakuna ay magagamit nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at tagapagsalin ng American Sign Language (wikang pasenyas ng Amerika) gamit ang Serbisyong Relay ng Bidyo ay magagamit upang masigurado ang epektibong komunikasyon sa mga aplikanteng may limitasyon sa kasanayan sa Ingles, kapansanan, daanan at functional na pangangailangan. Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362 (kabilang ang 711 o Relay ng Bidyo)._