PERMANENTE NANG MAGSASARA ANG MGA SENTRO NG PAGBAWI SA SAKUNA SA BERWYN AT RIVERDALE [https://www.fema.gov/tl/press-release/20231018/berwyn-and-riverdale-disaster-recovery-centers-closing-permanently] Release Date: October 18, 2023 CHICAGO - Sa Sabado, ika-21 ng Oktubre, 2023 ang huling araw ng operasyon ng mga Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) sa Berwyn at Riverdale. Itong mga sentro ay binukas para tulungan ang mga residente ng Cook County na nagtamo ng pagkawala sa panahon ng bagyo at pagbaho noong Hunyo 29 – Hulyo 2.  Ang sentro na matatagpuan sa Garahe ng Paradahan ng Abenida ng Berwyn Grove, 3310 Abenida ng Grove ay bukas ng 8 n.u. - 5 n.h. Lunes hanggang Sabado, at ito ay permanenteng magsasara sa Sabado ng 5 n.h. Ang pangalawang sentro na nasa Distrito ng Parke ng Riverdale, 14401 Timog Abenida ng Stewart, ay bukas ng 8 n.u. hanggang 5 n.h. Lunes hanggang Biyernes at mula 8 nu hanggang 12 nt sa Sabado, at ito ay permanenteng magsasara ng 12 ng tanghali sa Sabado.   Mayroon iba pang mga sentro ng pagbawi sa buong lugar ng Cook County na nakahandang tumulong sa mga nakaligtas sa sakuna. Gamitin ang TAGAHANAP NG PAGBAWI SA SAKUNA NG FEMA [https://egateway.fema.gov/ESF6/DRCLocator] upang makahanap ng sentro na pinakamalapit sa iyo o tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigya mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.  Hindi lang mga Sentro ng Pagbawi ang paraan para makakuha ng tulong mula sa FEMA. Ang Linya ng Tulong ng FEMA, 800-621-3362, ay may tauhan ng mga multilinggwal na operator na handang tumulong sa mga taong nakaligtas sa kanilang mga pagpaparehistro at iba pa nilang katanungan. Ang mga nakaligtas ay maaari ring gamitin ang Home | disasterassistance.gov [https://www.disasterassistance.gov/] o ang App ng FEMA sa kanilang mga telepono. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbawi sa sakuna sa Illinois, bumisita sa  www.fema.gov/disaster/4728 [http://www.fema.gov/disaster/4728]. Ang huling araw para magrehistro sa ay IKA-30 NG OKTUBRE, 2023. ### _Ang tulong sa pagkabawi mula sa sakuna ay magagamit nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at tagapagsalin ng American Sign Language (wikang pasenyas ng Amerika) gamit ang Serbisyong Relay ng Bidyo ay magagamit upang masigurado ang epektibong komunikasyon sa mga aplikanteng may limitasyon sa kasanayan sa Ingles, kapansanan, daanan at functional na pangangailangan. Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362 (kabilang ang 711 o Relay ng Bidyo)._