ANG KAHALAGAHAN NG PAGSURI SA IYONG PUGON, PARATING NA ANG TAGLAMIG! [https://www.fema.gov/tl/press-release/20231016/importance-checking-your-furnace-winter-coming-0] Release Date: October 16, 2023 CHICAGO --- Ang panahon ay maaaring malamig at maganda ngayon, pero parating na ang matinding hangin at niyebe ng taglamig. Bago maging mas malamig, ilaan ang oras na ito para suriin ang iyong pugon at iba pang kasangkapan na maaaring nasira ng sakuna ng pagbaha noong Hunyo 29 – Hulyo 2. Kung ang iyong pugon ay hindi gumagana at ito ay hindi sakop ng iyong seguro, maaari kang maging kwalipikado na makatanggap ng tulong mula sa FEMA para ipagawa o kahit palitan ito.  Ang tulong mula sa FEMA ay limitado sa mga pangunahing bahay na tinitirahan ng may-ari lang, hindi bahay bakasyunan o pangalawang bahay. Bilang karagdagan, ang tulong sa pagpapagawa ng bahay ay maaari lang makuha ng mga may-ari ng bahay para sa walang-seguro o may-kakulangan sa seguro na mga gamit na nasira ng sakuna na gawing ligtas at matitirhan. Ang mga bahay na may sira sa mga espasyong tinitirahan sa basement –kabilang ang mga yunit ng hardin na tinitirahan ng may-ari – ay maaari ring maging kwalipikado para sa tulong ng FEMA para tulungang masaklaw ang mga pagkawala.help cover those losses.  Kapag mag-apply ka para sa tulong, siguraduhin mong itukoy ang pugon at iba pang mahalagang dekuryenteng kasangkapan na nasira noong pagbaha sa tag-init. Kung napa-ayos mo na o naplitan na ang pugon, maging handa na magbigay sa FEMA ng resibo. Kung hindi, magbigay ka sa FEMA ng balidong pagtatantiya mula sa sertipikadong kontratista o tagapagtustos. Kung natuklasan mo na ang iyong sistema ng pag-iinit ay nangangailangang palitan pagkatapos mong makatanggap na ng gawad ng FEMA, maaari mong gamitin ang proseso ng apela ng FEMA para humingi ng karagdagang tulong. Upang matuto pa tungkol sa prosesong ito, bumisita sa www.fema.gov/assistance/individual/after-applying/appeals [http://www.fema.gov/assistance/individual/after-applying/appeals]. Kung hindi ka pa nag-aaply para sa tulong ng FEMA, pumunta sa online sa www.DisasterAssistance.gov [http://www.DisasterAssistance.gov], tumawag sa 800-621-3362, o gamitin ang FEMA App sa iyong telepono. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo o serbisyo ng naka-caption na telepono. Ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Para sa tulong nang personal, bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna. Ang huling araw ng pagrerehistro ay OCTOBER 30, 2023. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbawi sa sakuna sa Illinois, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4728 [http://www.fema.gov/disaster/4728].