HULING ARAW PINALAWIG HANGGANG IKA-20 NG OKTUBRE PARA SA MGA APLIKASYON SA GAWAD NG IMPRASTRAKTURA NG FEMA [https://www.fema.gov/tl/press-release/20231013/deadline-extended-october-20-fema-infrastructure-grant-applications] Release Date: October 13, 2023 CHICAGO -- Ang huling araw para magsumite ng mga kahilingan para sa pederal na tulong sa pagpapalit o pagpapagawa ng imprastraktura ay inilipat sa IKA-20 NG OKTUBRE, 2023. Ang huling araw ay umeepkto sa 19 na county na nagtamo ng pagkasira sa imprastraktura sa panahon ng bagyo at pagbaha noong Hunyo 29 hanggang 2. Ang mga interesadong aplikante sa mga kwalipikadong county ay inaanyayahan na kumpletuhin ang FEMA Form 009-0-49, Request For Public Assistance [https://www.fema.gov/media-library-data/1505397829631-758807d2f22ea320a71a74ade429675d/FEMA_Form_009-0-49_RPA_508_FINAL.pdf] (PA o Kahilingan para sa Tulong Pampubliko) at ibalik ito sa EMA.PA.Grants@Illinois.Gov. Ang mga county na kwalipikado para mag-apply para sa pondo ng PA ay ang mga county ng Christian, Clark, Coles, Cumberland, DeWitt, Douglas, Edgar, Hancock, Macon, McDonough, Monroe, Morgan, Moultrie, Pike, Sangamon, Scott, Vermillion, Warren at Washington. Ang pondo para sa pagpapagawa o pagpapalit ng imprastraktura ay nanggagaling sa programa na Public Assistance (PA o Tulong Pampubliko) ng FEMA. Ang PA ay ang pinakamalaking programa ng gawad ng FEMA na may pondo para tulungan ang mga teritoryo, tribu, panlokal at pang-estadong pamahalaan, at kwalipikadong private non-profit (PNP o pribadong organisasyon na hindi kumikita), kasama ang mga bahay ng sambahan, sa pagbawi mula sa pagkasira sa imprastraktura na dulot ng mga emerhensya o malaking sakuna na idineklara ng Pangulo. Para maging karapat-dapat, ang PNP ay dapat magpatakbo ng pasilidad na bukas sa publiko na nagbibigay ng kritikal na serbisyo – pang-edukasyon, utility o kagamitan, pang-emerhensya o medikal – o isang mahalagang serbisyong pampamahalaan. Itong programa ng PA ay hindi nagbibigay ng tulong sa mga indibidwal na sambahayan o pribadong negosyo. Ang mga pagtatagubilin sa aplikante na ginaganap para magbigay ng kaalaman sa mga aplikante (pang-estado, panlokal, pang-tribu, pangteritoryong pamahalaan, at ilang kwalipikadong private nonprofit organization (PNP o pribadong organisyon na hindi kumikita) ng maaaring gamitin na tulong PA at kung paano mag-apply, ay ginaganap sa virtual na pagpupulong gamit ang WebEx.  Ang mga bahay ng sambahan ay maaaring makakuha ng karagdagang impormasyon sa Ang Polyeto ng mga Kailangang Malaman ng mga Bahay ng Sambahan Tungkol sa Proseso ng Tulong sa Sakuna ng FEMA | FEMA.gov [https://www.fema.gov/node/what-houses-worship-need-know-about-fema-disaster-aid-process-flyer] Ang polyeto ay mababasa sa Ingles, Espanol, Tsino, Vietnamese, Tagalog, Pranses, Aleman, Haitian Creole, Koreano, at Portuguese.