PANSAMANTALANG SENTRO NG TULONG SA SAKUNA NG FEMA MAGBUBUKAS SA RIVERDALE PARA SA ISANG LINGGO [https://www.fema.gov/tl/press-release/20231013/temporary-fema-disaster-assistance-center-open-riverdale-one-week] Release Date: October 13, 2023 CHICAGO – Ang isang pansamantalang FEMA Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) ay magbubukas ng Lunes, ika-16 ng Oktubre hanggang Sabado, ika-21 ng Oktubre sa Riverdale mula 8 n.u. – 5 n.h. para tulungan ang mga umuupa, may-ari ng bahay, at may-ari ng negosyo na naapektuhan ng matinding bagyo at pagbaha noong Hunyo 29- Hulyo 2.  Lokasyon:  Distrito ng Parke ng Riverdale Park District 14401 Timog Abenida ng Stewart Riverdale, IL 60827      Mayroon pang anim na sentro na bukas sa malawak na lugar ng Cook County. Upang makahanap ng pinakamadaling puntahan para sa iyo, bisitahin ang Tagahanap ng Pagbawi ng Sakuna ng FEMA [https://egateway.fema.gov/ESF6/DRCLocator] o tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Ang mga espesyalista mula sa FEMA at ng U.S. Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) sa mga sentrong ito ay kayang tulungan ang mga nakaligtas mula sa bagyo at pagbaha noong Hunyo 29 – Hulyo 2, 2023, na mag-apply para sa pederal na tulong sa sakuna, mag-upload ng dokumento, matutunan ang mga paraan para gawing mas matibay ang kanilang pag-aari laban sa sakuna, at masagot ang kanilang mga tanong ng personal. Ang sinuman na nangangailangan ng makatwirang tulong (pagsasalin sa ASL, Braille, malaking letra atbp) o isang tagapagsalin sa ibang wika ay maaaring tumawag sa 800-621-3362 para humingi ng tulong nang maaga o humingi ng tulong sa kawani ng pagbawi sa sentro. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbawi sa sakuna sa Illinois, bumisita sa  www.fema.gov/disaster/4728 [http://www.fema.gov/disaster/4728]. Ang huling araw para mag-rehistro sa FEMA ay ika-30 ng Oktubre, 2023.