MAGBUBUKAS NG PANSAMANTALANG SENTRO NG TULONG SA SAKUNA NG FEMA SA CHICAGO HEIGHTS AT LITTLE VILLAGE PARA SA ISANG LINGGO [https://www.fema.gov/tl/press-release/20231007/temporary-fema-disaster-assistance-centers-open-chicago-heights-and-little] Release Date: Oktubre 7, 2023 CHICAGO – Magbubukas ang dalawang pansamantalang FEMA Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) sa Chicago Heights at Little Village mula Martes, ika-10 ng Oktubre hanggang Sabado, ika-14 ng Oktubre para tumulong sa mga umuupa, may-ari ng bahay, at may-ari ng negosyo na naapektuhan ng matinding bagyo at pagbaha noong ika-29 ng Hunyo hanggang ika-2 ng Hulyo.    LOKASYON NG MGA PANSAMANTALANG DRC: PAMPUBLIKONG AKLATAN NG CHICAGO HEIGHTS          BUKAS 8 N.U.- 5 N.H. 25 Kanlurang Kalye ng ika-15 Chicago Heights, IL 60411   PAMPUBLIKONG AKLATAN NG SANGAY NG TOMAN        BUKAS 8:30 N.U. – 5 N.H. 2708 Timog Kalsada ng Pulaski Chicago, IL 60623   Ang mga espesyalista mula sa FEMA (Administrasyon ng Pangangasiwa ng Pederal na Emerhensya) at ang U.S. Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) na nasa sentro ay makakatulong sa mga nakaligtas na naapektuhan ng bagyo at pagbaha noong ika-29 ng Hunyo hanggang ika-2 ng Hulyo, 2023 na mag-apply para sa tulong sa pederal na sakuna, mag-upload ng dokumento, matutunan ang mga paraan upang gawing mas matibay laban sa sakuna ang kanilang pag-aari, at masagot ang kanilang mga tanong sa personal.   Ang sinuman na nangangailangan ng makatwirang tulong (pagsasalin sa ASL, Braille, Malaking print atbp.) o isang tagapagsalin ng wika ay pwedeng tumawag sa 800-621-3362 para humingi ng tulong nang maaga o humingi ng tulong sa mga kawani ng pagbawi sa sentro. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbawi sa sakuna sa Illinois, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4728 [http://www.fema.gov/disaster/4728]. Ang huling araw para mag-rehistro sa FEMA ay ika-16 ng Oktubre, 2023.