MAHALAGANG MAGSUMITE NG ISANG APLIKASYON SA PAUTANG NG SBA [https://www.fema.gov/tl/fact-sheet/its-important-submit-sba-loan-application-0] Release Date: Oct 6, 2023 Ang mga may-ari ng bahay, umuupa, may-ari ng negosyo, at mga ilang walang-kinikitang organisasyon na nagtamo ng pagkawala mula sa Bagyong Idalia ay maaaring i-refer para sa pautang sa sakuna mula sa U.S. Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo). Maaaring i-refer ng FEMA ang mga nakaligtas sa SBA kasama ang impormasyon kung paano mag-apply para sa isang pautang sa sakuna. Ang mga may-ari ng bahay, umuupa, may-ari ng mga negosyo at ilang mga walang-kinikitang organisasyon ay maaaring maging karapat-dapat. Mahalagang magsumite ng isang aplikasyon sa pautang sa lalong madaling panahon. Kung ang aplikasyon ay inapruba, wala silang obligasyon na tanggapin ang pautang ng SBA ngunit ang hindi pagsasauli ng aplikasyon ay maaaring gawin silang diskwalipikado sa pagtanggap ng iba pang tulong pinansyal mula sa FEMA at Estado ng Florida. * Kung itinukoy ka sa SBA, ilang uri lang ng tulong ng FEMA ang maaaring maibigay kung makatanggap ka ng pagtanggi para sa pautang ng SBA. * Ang mga pautang sa sakuna ng SBA ang pinakamalaking mapagkukunan ng pederal na pondo sa pagbawi sa sakuna para sa mga nakaligtas. Nag-aalok ang SBA ng pangmatagalang pautang sa sakuna sa mga negosyo ng iba’t ibang laki, pribadong walang-kinikitang organisasyon, may-ari ng bahay at kumikita. * Ang mga pautang sa sakuna ng SBA ay sumasakop sa mga pagkawala na hindi buong nababayaran ng seguro o iba pang mapagkukunan. Ang mga nakaligtas ay hindi dapat maghintay para sa kasunduan sa seguro bago moagsumite ng isang aplikasyon sa pautang ng SBA. Maaari nilang matuklasan na may kakulangan sila sa seguro para sa mababawas, paggawa at materyales na kinakailangan para mapagawa o mapalitan ang kanilang bahay. * Ang mga may-ari ng bahay ay maaaring maging karapat-dapat para sa isang pautang sa sakuna hanggang $500,000 para sa pagpapagawa ng istruktura o muling pagpapatayo ng pangunahing tirahan. Ang SBA ay maaari ring makatulong sa mga may-ari ng bahay at umuupa ng hanggang $100,000 upang ipagawa o palitan ang mga mahalagang personal na pag-aari, kabilang ang mga sasakya na nasira o nawasak sa sakuna. Iyong mga itinukoy ay maaaring mag-apply sa online sa gamit ang Electronic Loan Application (ELA o Elektronikong Aplikasyon sa Pautang) sa pamamagitan ng ligtas na website ng SBA sa disasterloanassistance.sba.gov/ela/s/ [https://disasterloanassistance.sba.gov/ela/s/]. Ang impormasyon ng pautang sa sakuna at mga form sa aplikasyon ay maaari ring makuha sa pamamagitan ng pagtawag sa Sentro ng Serbisyo sa Parokyano ng SBA sa 800-659-2955.