KABILANG SA TULONG NG FEMA ANG MGA GASTOS SA PAGLILIBING [https://www.fema.gov/tl/fact-sheet/fema-assistance-includes-funeral-expenses-0] Release Date: Sep 29, 2023 Ang pagkawala ng isang mahal sa buhay ay isang hindi lubos maisip na trahedya. Maaaring available ang tulong ng FEMA para sa mga gastos sa libing o muling paglilibing bilang resulta ng mga wildfire sa Maui noong AUGOSTO 8 wildfire sa Maui.  Makakatulong ang FEMA sa mga gastos na hindi inaasahan at walang insurance na nauugnay sa pagpanaw ng isang malapit na miyembro ng pamilya sa panahon ng idineklarang pangunahing pederal na sakuna o emergency.  Ang COUNTY NG MAUI ay itinalaga para sa tulong ng FEMA. Kahit na nakatira ka sa labas ng county, ikaw at ang iyong pamilya ay maaari pa ring maging kwalipikado para sa tulong sa libing kung naganap ang pagkamatay sa loob ng lugar ng sakuna. Upang humiling ng tulong sa libing, kailangan mo munang mag-apply sa FEMA.  PAMANTAYAN SA PAGIGING KWALIPIKADO * Ang FEMA ay puwede lamang magbigay ng hanggang $11,000 para sa mga gastos na nauugnay sa bawat namatay na indibidwal, kahit na mas malaki ang iyong mga gastos.  * Bilang aplikante, dapat kang magbigay sa FEMA ng: * isang opisyal na sertipiko ng kamatayan na inisyu ng estado o isang nilagdaang pahayag mula sa isang medikal na tagasuri, coroner o iba pang certifier na nagsasaad na ang pagkamatay ay direkta o hindi direktang nauugnay sa mga wildfire; * isang resibo o mga maaaring maberipikang pagtatantiyang para sa mga gastos sa libing na mula sa bulsa mo; * kumpirmasyon na ang mga gastos sa libing ay hindi binayaran ng insurance o iba pang mapagkukunan. Ayon sa batas, hindi makakapagbigay ng pondo ang FEMA kapag ang anumang iba pang mapagkukunan – Social Security, mga benepisyo ng Veterans Affairs, mga donasyon, crowdfunding (hal., GoFundMe) – ay sinaklaw ang mga gastos para sa parehong pangangailangang nauugnay sa sakuna. Kung natanggap mo na ang mga benepisyong iyon para sa mga gastos sa libing, ang halagang natanggap mo ay ibabawas sa iyong award ng FEMA.  * Maaaring saklawin ng tulong sa libing ang ilang partikular na kwalipikadong gastos kabilang ang: PARA SA PAGLILIBING * Transportasyon para sa hanggang dalawang indibidwal upang matukoy ang namatay, kung ang pagkakakilanlan ay kinakailangan ng mga awtoridad ng estado o lokal na gobyerno * Paglilibing (kabilang ang paglalagay ng mga labi sa libingan, urn o sa libingang nasa ibabaw ng lupa) * Mga serbisyong libing * Mga serbisyo ng clergy, officiant o pangkulturang protokol * Mga gastos na nauugnay sa pagbibigay at pagpapatunay ng hanggang limang sertipiko ng kamatayan PARA SA MULING PAGLILIBING LAMANG * Mga serbisyo sa libing (limitado sa paghahanda at paggamit ng mga pasilidad, kabilang ang mga pangkulturang protokol, upang ihanda ang mga labi para sa muling paglilibing) * Gastos sa pagtukoy ng mga labi na mula sa hukay MGA HINDI KWALIPIKADONG GASTOS  * Ang FEMA ay hindi nagbibigay ng tulong para sa alinman sa mga sumusunod: * Mga Obituwaryo * Mga Bulaklak * Mga naka-print na materyales tulad ng mga banner, mga aklat ng programa o sa pagpaparehistro * Mga serbisyo sa catering—kabilang ang pagkain * Paghahatid sa iyo, sa aplikante, o sa iba pa papunta sa (mga) site ng serbisyo sa libing; paglilibing o muling paglilibing ; at pabuya. * Narito ang mga paraan para mag-apply para sa tulong ng FEMA: * Bisitahin ang DisasterAssistance.gov [https://urldefense.us/v3/__http:/www.DisasterAssistance.gov__;!!BClRuOV5cvtbuNI!V9qeEBYrSNZdnN1w1BSQaAnDtEznFBy6nbCyjLlwEVgoobGfHobimOjzCseDAmd-rAAVxALAdw$] * Gamitin ang FEMA mobile app [https://www.fema.gov/about/news-multimedia/mobile-app-text-messages] * Tawagan ang HELPLINE NG FEMA SA 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo sa pag-relay tulad ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag nag-apply ka. Ang mga operator ng HELPLINE ay nagsasalita ng maraming wika at ang mga linya ay bukas 24 NA ORAS SA ISANG ARAW, PITONG ARAW SA ISANG LINGGO. * Para sa American Sign Language na video kung papaano mag-apply, pumunta sa https://www.youtube.com/watch?v=LU7wzRjByhI&list=PL720Kw_OojlKOhtKG7HM_0n_kEawus6FC&index=6 * Maaari mo ring bisitahin ang anumang Center ng Pagbangon mula sa Sakuna para sa mga update tungkol sa iyong aplikasyon sa FEMA o mga sagot sa mga tanong. Maghanap ng center dito: DRC Locator (fema.gov) [https://egateway.fema.gov/ESF6/DRCLocator] Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga pagsisikap para sa pagbangon mula sa wildfire ng Maui, bumisita sa mauicounty.gov [https://www.mauicounty.gov/] at fema.gov/disaster/4724 [https://www.fema.gov/disaster/4724]. I-follow ang @FEMARegion9 [https://twitter.com/femaregion9] sa Twitter at sa facebook.com/fema [http://www.facebook.com/fema]