ANG PAG-UNAWA SA IYONG LIHAM NG FEMA [https://www.fema.gov/tl/fact-sheet/understanding-your-fema-letter-5] Release Date: Sep 26, 2023 Ang mga residente ng County ng Cook County na nag-apply para sa tulong mula sa FEMA pagkatapos magtamo ng pagkasira mula sa malubhang bagyo at pagbaha noong Hunyo 29 - Hulyo 2, 2023, ay tatanggap ng liham mula sa FEMA sa koreo o email. Ang liham ay magpapaliwanag ng katayuan ng iyong aplikasyon at kung paano tumugon. Mahalagang basahin mo ang liham nang mabuti.  KATAYUAN: KARAPAT-DAPAT * Kung naipasa mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon at ikaw ay karapat-dapat para sa gawad ng FEMA, ang liham ay magsasabi sa iyo ng halaga ng iyong grant sa dolyar at kung paano dapat gamitin ang pondo. * Itong mga gawad ay para sa pagpapagawa, pansamantalang pabahay, at iba pang inaprubang mahalagang gastos na may kaugnayan sa sakuna. KATAYUAN: KASALUKUYANG HINDI KARAPAT-DAPAT * Kung tinutukoy ng iyong liham na ang iyong aplikasyon ay kasalukuyang hindi karapat-dapat, sasabihin sa iyo KUNG BAKIT o ANO PA ANG KAILANGANG MALAMAN NG FEMA. SASABIHIN DIN NITO KUNG PAANO MAG-APELA NG DESISYON KUNG HINDI KA SUMASANG-AYON.  * MGA DAHILAN ang isang aplikante ay maaaring hindi karapat-dapat sa kasalukuyan: * KULANG ANG PAGKASIRA – Ang tulong ng FEMA ay nilaan upang maibalik ang iyong bahay sa isang ligtas, malinis, at maaasahang tirahan at hindi nito kayang bayaran ang lahat ng pagkawala sa sakuna. Subalit, kung ikaw ay naniniwala na ang iyong bahay ay nagtamo ng mas malalang sira kaysa sa iniulat ng tagasuri, maaari kang magsumite ng pahayag o tantiya ng kontratista, isang pahayag o tantiya ng mekaniko, isang pahayag mula sa lokal na opisyal o mga resibo para sa mga gastos na idinulot ng sakuna para ipaliwanag kung bakit maaaring kailanganin ang ibang halaga ng gawad. * WALANG RELOKASYON – Kung sinabi mo sa FEMA na hindi ka papayag na umalis ng iyong bahay habang pinapagawa ito, ang tulong pinansyal para lumipat ka ng tirahan ay hindi makukuha. Kung magbago ang iyong sitwasyon, maaari kang makipag-ugnayan sa FEMA para i-update ang iyong aplikasyon.  * WALANG KOMUNKASYON SA INSPEKSYON – Kung nahihirapan ang FEMA na makausap ka para beripikahin ang iyong pagkasira, hindi maaaring ituloy pa ang proseso ng iyong aplikasyon. Dapat mong tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA (800-621-3362) para kumpirmahin ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan at beripikahin ang iyong pangangailangan para sa tulong. contact information and verify your need for assistance. * NAWAWALANG DOKUMENTASYON – Maaaring kailanganin ng FEMA ang karagdagang impormasyon upang matiyak ang iyong pagiging karapat-dapat. Maaaring kabilang dito ang: * katibayan ng saklaw ng seguro * isang kopya ng dokumento ng kasunduan sa paghahabol sa seguro * patunay ng pagkakakilanlan [https://www.fema.gov/assistance/individual/after-applying#identity] * patunay ng pagiging residente [https://www.fema.gov/assistance/individual/after-applying/verifying-home-ownership-occupancy#occupancy] * patunay ng pagmamay-ari [https://www.fema.gov/assistance/individual/after-applying/verifying-home-ownership-occupancy#ownership] at/o * Katibayan na ang nasirang pag-aari ay ang pangunahing tahanan ng aplikante sa panahon ng sakuna. PAANO MAGSUMITE NG APELA Ang apela ay isang nakasulat na kahilingan sa FEMA para suriin muli ang iyong file, at ang pagkakataon para magbigay ng bago o karagdagang impormasyon na hindi naibigay noon ay maaaring makaapekto ng desisyon. Ang mga apela ay dapat gawin sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang napirmahan at napetsahang liham, may markang koreo ito sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng iyong liham ng desisyon ng FEMA, nagpapaliwanag sa (mga) dahilan para sa apela. Ang mga apela ay dapat kinabibilangan ng: * buong pangalan ng aplikante  * numero ng sakuna (4728 sa Illinois)  * address kung saan tumira ang aplikante sa panahon ng sakuna, at * kasalukuyang numero ng telepono at address ng aplikante    Ang mga liham ng apela at sumusuportang dokumento ay maaaring isumite sa pamamagitan ng fax, koreo, sa personal o sa online account ng FEMA.  SA KOREO FEMA – Programa ng Indibidwal & Sambahayan Pambansang Sentro ng Serbisyo sa Pagpoproseso P.O. Box 10055  Hyattsville, MD 20782-8055  SA ONLINE * Maaaring pangasiwaan ang mga apela sa online. Bumisita sa DisasterAssistance.gov upang gumawa ng account at mag-upload ng lahat ng sumusuportang dokumento gamit ang Lihaman na "Upload Center."    SA PERSONAL * Maaari mong dalhin ang iyong kahilingan sa apela sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna [http://www.fema.gov/drc]. SA FAX * I-fax ang iyong liham ng apela at mga sumusuportant dokumento sa (800) 827-8112, Pansin: FEMA – Programa Pang-Indibidwal & Sambahayan Kung ikaw ay may mga tanong tungkol sa iyong liham ng FEMA o sa proseso ng apela, bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna [http://www.fema.gov/drc] o tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag mag-aaply ka. Ang huling araw para magrehistro para sa tulong ng FEMA ay Oktubre 16, 2023.