PAG-UNAWA SA IYONG LIHAM NG FEMA [https://www.fema.gov/tl/press-release/20230909/understanding-your-fema-letter] Release Date: Setyembre 9, 2023 TALLAHASSEE – Ang mga nakaligtas na nag-apply para sa tulong mula sa FEMA pagkatapos ng Bagyong Idalia ay tatanggap ng liham ng pagiging karapat-dapat mula sa FEMA sa koreo o sa email.  Ang liham ay magpapaliwanag ng katayuan ng iyong aplikasyon at kung paano tumugon. Mahalaga na bahasin mong mabuti ang liham dahil ilalaman nito ang halaga nag anumang tulong na maaaring ibigay ng FEMA at impormasyon tungkol sa wastong paggamit ng pondong pantulong sa sakuna.  Ang mga aplikanteng naunang itinuring hindi karapat-dapat o hindi sumasang-ayon sa halaga ng inaprubang tulong ay maaaring umapela sa pagpapasiya ng FEMA. Ang mga aplikante ay maaaring kailanganin lang na magsumite ng karagdagang impormasyon o sumusuportang dokumento para ipagpatuloy ng FEMA ang pagpoproseso ng aplikasyon. Ang mga halimbawa ng hinihinging dokumentasyon ay maaaring ibilang ang: * Patunay ng saklaw ng seguro * Kasunduan ng claim sa seguro o liham ng pagtanggi mula sa tagapagbigay ng seguro * Patunay ng pagkakakilanlan * Patunay ng pagtira * Patunay ng pagmamay-ari * Patunay na ang nasirang pag-aari ay ang pangunahing tirahan ng aplikante sa panahon ng  sakuna. Kung mayroon kang tanong tungkol sa liham, tawagan mo ang linya ng tulong sa sakuna sa 800-621-3362 upang malaman ang impormasyon na kinakailangan ng FEMA.  Ang tulong ng FEMA ay hindi pareho sa seguro. Ang tulong ng FEMA ay nagbibigay lamang ng pondo para sa pansamantalang tuluyan, pangunahing pagpapagawa ng bahay o iba pang gastos na may kaugnayan sa sakuna. * Pag-Apela sa Desisyon ng FEMA Ang mga aplikante na hindi sumasang-ayon sa desisyon ng FEMA, o sa halaga ng tulong, ay maaaring magsumite ng liham ng apela at dokumento na sumusuporta sa kanilang salaysay, tulad ng tantiya ng kontrasita para sa pagpapagawa ng bahay, o hinihinging dokumento tulad ng inilarawan sa liham ng pagpapasiya. Hindi kayang kopyahin ng FEMA ang tulong na ibinigay ng ibang mapagkukunan, tulad ng kasunduan sa seguro. Subalit, ang mga may kakulangan sa seguro ay maaaring makatanggap ng karagdagang tulong para sa mga pangangailangan na hindi natugunan pagkatapos ng naayos ang mga claim sa seguro. Ang apela ay dapat nakasulat. Sa isang pinirmahang at may petsang liham, ipaliwanag ang dahilan para sa apela. Dapat nilalaman nito ang:  * Buong pangalan ng aplikante  * Numero ng sakuna (DR-4734 para sa Bagyong Idalia) * Address ng pangunahing tirahan bago nang sakuna  * Kasalukuyang numero ng telepono at address ng aplikante  * Numero ng aplikasyon sa FEMA sa lahat ng mga dokumento Kung pipiliin mong gumamit ng ikatlong partido para magsumite ng liham ng apela sa ngalan mo, dapat pirmahan ng ikatlong partido ang liham ng apela. Bilang karagdagan, pakisama ang isang pahayag na iyong pinirmahan na pinahihintulutan ang ikatlong partido na mag-apela sa ngalan mo.   Ang mga liham ng apela ay dapat may markang koreo sa loob ng 60-araw mula sa petsa ng liham ng pagiging karapat-dapat. Ang mga liham at sumusuportang dokumento ay maaaring isumite sa FEMA gamit ang fax, koreo, o sa pamamagitan ng account ng FEMA sa online. Para magbuo ng account sa online, bumisita sa DisasterAssistance.gov [http://www.disasterassistance.gov/], i-click ang “Apply Online” at sundan ang mga direksyon.  SA KOREO: FEMA National Processing Service Center, P.O. Box 10055, Hyattsville MD 20782-7055 GAMIT ANG FAX: 800-827-8112 Attention: FEMA  Maaari ka ring bumisita sa pinakamalapit na Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) at isumite ang iyong apela. Para sa impormasyon tungkol sa bukas na DRC at oras ng DRC maaari kang bumisita sa aming pahina ng Tagahanap ng DRC sa: DRC Locator (fema.gov) [https://egateway.fema.gov/ESF6/DRCLocator] Maghanap gamit ang estado at piliin ang Florida. Para sa naa-access na bidyo sa liham ng FEMA sa pagiging karapat-dapat, pumunta sa FEMA Accessible: Understanding Your Letter - YouTube [https://www.youtube.com/watch?v=M1a6lYO5hgY&list=PL720Kw_OojlKOhtKG7HM_0n_kEawus6FC&index=62]. Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bumisita sa floridadisaster.org/updates/ [http://www.floridadisaster.org/updates/] at fema.gov/disaster/4734 [https://www.fema.gov/disaster/4734]. Sundan ang FEMA sa X, na dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 [https://twitter.com/femaregion4] at sa facebook.com/fema [https://www.facebook.com/fema].