MARAMIHANG MGA OPSYON SA PABAHAY PARA SA MGA NAKALIGTAS SA BAGYONG IAN [https://www.fema.gov/tl/press-release/20221101/multiple-housing-options-hurricane-ian-survivors] Release Date: Nobyembre 1, 2022 BRANDON, FLA. – Ang state of Florida at FEMA ay nagbibigay ng ilang uri ng tulong sa mga Floridians sa 26 na mga county na ang mga tahanan ay nasira o nawasak ng Bagyong Ian. Maaaring makatulong ang mga grant ng FEMA sa pagkukumpuni o pagpapalit ng mga pangunahing tahanan na nasira ng bagyo at tulong sa pag-upa para sa pansamantalang pabahay habang gumagawa ng pagkukumpuni. Ang kwalipikadong mga county ay ang Brevard, Charlotte, Collier, DeSoto, Flagler, Glades, Hardee, Hendry, Highlands, Hillsborough, Lake, Lee, Manatee, Monroe, Okeechobee, Orange, Osceola, Palm Beach, Pasco, Pinellas, Polk, Putnam, Sarasota, Seminole, St. Johns at Volusia. Ang mga karapat-dapat na residente ng parehong 26 na county na nakalista ay isinasaalang-alang-alang din para sa FEMA Transitional Sheltering Assistance (TSA), na nagbibigay ng pansamantalang tuluyan sa mga hotel para sa mga kwalipikadong aplikante. Pinahintulutan din ng FEMA ang Direktang Pansamantalang Pabahay para sa mga county ng Charlotte, Collier, DeSoto, Hardee, Lee at Sarasota at magbibigay ng mga madadala na pansamantalang yunit ng pabahay at mga trailer ng paglalakbay, pati na rin ang direktang pagpapaupa ng mga tahanan para sa mga kwalipikadong aplikante. Narito ang mga uri ng tulong na ibinigay: TULONG SA UPA Ang FEMA ay maaaring magbigay ng tulong pinansyal sa mga may-ari ng bahay o umuupa upang umupa ng kahaliling pansamantalang pabahay kung sila ay naalis sa kanilang pangunahing tirahan dahil sa pinsala mula sa Bagyong Ian. Ang nasirang bahay ay dapat na hindi matitirhan dahil sa bagyo at ang mga pangangailangan sa pabahay ay hindi dapat saklaw ng insurance. TULONG SA TRANSISYONAL NA MATUTULUYAN Maaaring magbigay ang FEMA ng pansamantalang tirahan sa isang hotel. Maaaring maging karapat-dapat ang mga nasa mga shelter o nawalan ng tirahan dahil hindi ma-access o hindi matitirhan ang bahay. PAGSASAAYOS/PAGPAPALIT NG TAHANAN Maaaring magkaroon ng tulong pinansyal para sa mga karapat-dapat na may-ari ng bahay upang muling itayo o gumawa ng mga pangunahing pagkukumpuni upang gawing ligtas, malinis, at magamit muli ang kanilang tahanan. Para maging karapat-dapat sa tulong, ang mga nakaligtas ay dapat mag-apply sa FEMA. Mayroong ilang mga paraan para mag-aplay: 1) DisasterAssistance.gov [https://www.disasterassistance.gov/], 2.) i-download ang FEMA App [https://www.fema.gov/about/news-multimedia/mobile-products] para sa mga mobile device, 3) tawag sa toll-free 800-621-3362. Bukas ang linya araw-araw mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET. Mayroong tulong sa halos lahat ng wika. Para mapanood ang isang naa-access ng video kung paano mag-aplay bisitahin ang Three Ways to Register for FEMA Disaster Assistance - YouTube [https://www.youtube.com/watch?v=LU7wzRjByhI]. OPERASYON BLUE ROOF Bilang karagdagan sa mga programa ng FEMA, ang U.S. Army Corps of Engineers ay maaaring makatulong sa mga karapat-dapat na may-ari ng bahay sa pansamantalang pag-aayos ng bubong. Ang Operasyon Blue Roof ay isang libreng serbisyo sa mga may-ari ng bahay na naapektuhan ng Bagyong Ian sa mga county ng Charlotte, Collier, DeSoto, Lee at Sarasota. Maaaring mag-sign up online ang mga may-ari ng bahay sa blueroof.us [https://www.usace.army.mil/Missions/Emergency-Operations/Blue-Roof-Information/] o tumawag sa 1-888-ROOF-BLU (1-888-766-3258) para sa karagdagang impormasyon. Ang palugit sa pag-sign up para sa Programa ng Blue Roof ay sa Martes, Nob.1, 2022. DIREKTANG PANSAMANTALANG TULONG SA PABAHAY Maaaring kabilang sa mga opsyon_:_ * Transportable Temporary Housing Units – Maaaring maglagay ang FEMA ng travel trailer o manufactured housing unit (MHU) sa isang pribadong lugar o sa isang commercial park. Maaari ding makipag-ugnayan ang FEMA sa mga opisyal ng estado at lokal na magtayo ng grupo ng mga site para sa maramihang naililipat na pansamantalang yunit ng pabahay * Direktang Pag-upa – Maaaring umarkila ang FEMA ng mga umiiral na, residential property na puwede nang matirhan para magamit bilang pansamantalang pabahay. Maaaring kabilang sa mga karapat-dapat na uri ng ari-arian ang mga pag-arkila sa bakasyon, mga pangkumpanyang apartment, pangalawang tahanan, mga tahanan ng solong pamilya, mga kooperatiba, condominium, townhouse, at iba pang mga tirahan. Ang direktang pagpapaupa ay para sa mga karapat-dapat na aplikante na ang mga pangangailangan sa pabahay ay hindi matutugunan ng iba pang mga opsyon para sa direktang pansamantalang tulong sa pabahay. * Upa sa Maramihang Pamilya at Pagkukumpuni – Pinopondohan ng FEMA ang pagkukumpuni o pagpapahusay ng mga kasalukuyang bakanteng multi-family rental property na magagamit ng mga kwalipikadong aplikante para sa pansamantalang pabahay. Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbangon ng Florida mula sa Bagyong Ian, bisitahin ang floridadisaster.org/info [https://www.floridadisaster.org/info] at fema.gov/disaster/4673 [https://www.fema.gov/disaster/4673]. Sundan ang FEMA sa Twitter sa FEMA Region 4 (@femaregion4) / Twitter [https://twitter.com/femaregion4] at sa facebook.com/fema [https://www.facebook.com/fema]. ### _Ang misyon ng FEMA ay ang tulungan ang mga tao bago, sa panahon, at pagkatapos ng mga sakuna._ Ang lahat ng tulong sa sakuna ng FEMA ay ipagkakaloob nang walang diskriminasyon sa mga batayan ng lahi, kulay, kasarian (kabilang ang sekswal na panliligalig), oryentasyong sekswal, relihiyon, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, limitadong kasanayan sa Ingles, katayuan sa ekonomiya. Maaari kang tumawag sa linya ng Civil Rights Resource sa 833-285-7448 kung naniniwala ka na ang iyong mga karapatang sibil ay nilalabag.