MAGBUBUKAS ANG MGA DISASTER RECOVERY CENTER SA CHARLOTTE AT COLLIER COUNTY [https://www.fema.gov/tl/press-release/20221009/disaster-recovery-centers-open-charlotte-collier-counties] Release Date: October 7, 2022 TALLAHASSEE – Nagbukas ang Estado ng Florida at ang FEMA ng dalawang karagdagang Disaster Recovery Center (Mga Sentro sa Pagbangon sa Sakuna, DRC) sa Charlotte at Collier county. CHARLOTTE COUNTY HOME DEPOT, 12621 S MCCALL RD, PORT CHARLOTTE, FL 33981   COLLIER COUNTY VETERANS COMMUNITY PARK, 1895 VETERANS PARK DRIVE, NAPLES, 34109   Bukas ang lahat ng sentro mula 9 a.m. mula 6 p.m. pitong araw sa isang linggo.   Nagbibigay ang mga Disaster Recovery Center sa mga nakaligtas sa sakuna ng impormasyon mula sa mga ahensya ng estado ng Florida, FEMA, at U.S. Small Business Administration (Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo ng U.S.). Ang mga nakaligtas ay maaaring makakuha ng tulong sa pag-apply para sa pederal na tulong at mga loan sa sakuna, mag-update ng mga aplikasyon at matuto tungkol sa iba pang mapagkukunang available. Ang iba pang sentro ay nagpapatakbo sa: LEE COUNTY LAKES REGIONAL LIBRARY, 15290 BASS ROAD, FORT MYERS, FL 33919   LEE COUNTY FORT MYERS DMS BUILDING, 2295 VICTORIA AVE., FORT MYERS, FL 33901   SARASOTA COUNTY SHANNON STAUB PUBLIC LIBRARY, 4675 CAREER LANE, NORTH PORT, FL 34289   Hindi kailangang bumisita sa isang sentro para mag-apply. Ang mga nakaligtas ay maaaring mag-online sa disasterassistance.gov [http://www.disasterassistance.gov/], gamitin ang FEMA mobile app [https://www.fema.gov/about/news-multimedia/mobile-app-text-messages] o tumawag sa 800-621-3362 mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET araw-araw. Available ang tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng video relay service (serbisyo ng video relay, VRS), teleponong may caption, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.   Ang mga Disaster Recovery Center ay naa-access ng mga taong may mga kapansanan. Mayroon silang kagamitan sa pantulong na teknolohiya na nagbibigay-daan sa mga nakaligtas na makipag-ugnayan sa tauhan. Available ang Malayuang Pag-interpret Gamit ang Video at available ang sign language sa personal kung hiniling. Ang sentro ay mayroon ding naa-access na paradahan, mga rampa, at banyo. Dagdag sa mga sentro, ang mga pangkat ng Disaster Survivor Assistance (Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna, DSA) ng FEMA ay umiikot sa mga kapitbahayan sa mga lugar na naapektuhan ng Hurrican Ian para tulungan ang mga residente na mag-apply para sa tulong ng FEMA at sagutin ang mga tanong tungkol sa pederal na tulong. Nagsusuot ang mga pangkat ng DSA ng kasuotan ng FEMA at mayroon silang mga pederal na badge ng pagkakakilanlan na may litrato. Walang singil para sa serbisyo. Makakatulong ang Indibidwal na Tulong ng FEMA sa mga gastusin sa pansamantalang matutuluyan, mga pangunahing pagpapaayos ng bahay at iba pang pangangailangang nauugnay sa sakuna. Para sa naa-access na video sa kung paano mag-apply para sa tulong, pumunta sa Naa-access na FEMA: Paano Magrehistro para sa Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna - YouTube [https://www.youtube.com/watch?v=0RpoRN_xPLo&list=PL720Kw_OojlKOhtKG7HM_0n_kEawus6FC&index=43]. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagbangon mula sa Hurricane Ian sa Florida, bisitahin ang fema.gov/disaster/4673 [https://www.fema.gov/disaster/4673] at  floridadisaster.org/. [https://www.floridadisaster.org/] I-follow kami sa Twitter: @FLSERT [https://twitter.com/FLSERT] at @FEMARegion4 [https://twitter.com/femaregion4].