DRC BUKAS SA ESSEX AT MORRIS COUNTIES [https://www.fema.gov/tl/press-release/20210920/drc-open-essex-and-morris-counties] Release Date: September 20, 2021 TRENTON, NJ – Nagbukas po ang mga Disaster Recovery Centers (DRC) ngayong araw sa Essex at Morris counties upang matulungan ang mga residente ng New Jersey na nasalanta ng pananalasa ng Hurricane Ida.   Nakahanda po ang mga Kinatawan ng FEMA at ng U.S. Small Business Administration sa mga himpilan upang ipaliwanag ang programa ng pagbibigay-tulong sa mga nasalanta (disaster assistance programs), sumagot po ng katanungan tungkol sa mga natanggap na kasulatang kasagutan, at magbahagi po ng mga polyeto o manwal tungkol sa pag-aayos at pagpapatibay upang patatagin ang mga tahanan laban sa sakuna o kalamidad. Matatagpuan ang mga DRC sa: * Essex County: Kmart – Malapit sa isang Bakunahan, 235 Prospect Avenue #9413, West Orange, NJ 07052 * * Bukas po mula 8 n.u. hanggang 7 n.g. Mula Lunes hanggang Biyernes ET; Mula 8 n.u. hanggang 5 n.h. tuwing Sabado; at SARADO po tuwing Linggo * Morris County: Morris Plains Community Center, 51 Jim Fear Dr., Morris Plains, NJ 07950 * * Bukas po mula 8:30 n.u. to 7 n.g. ET. Mula Lunes hanggang Huwebes; SARADO po ng Biyernes, Sabado, at Linggo   Ang mga mamamayan ng BERGEN, ESSEX, GLOUCESTER, HUDSON, HUNTERDON, MERCER, MIDDLESEX, MORRIS, PASSAIC, SOMERSET, UNION, AND WARREN counties ay may karapatan pong mag-apply para sa tulong laban sa sakuna o kalamidad (disaster assistance).   Ang mga nakaligtas ay maaari pong magtanong o humiling ng karagdagang impormasyon sa mismong himpilan ng DRC, bilang karagdagan sa online o sa telepono. Ang mga nakaligtas ay maaari pong bumisita sa anumang himpilan ng DRC at makakahanap ng pinakamalapit na himpilan sa pamamagitan ng FEMA App. Upang maka-download ng FEMA App, bumisita po sa Apple App Store o sa Google Play Store. Bukas po ang mga karagdagang himpilan sa sumusunod na mga lokasyon: * HUDSON COUNTY: Secaucus Public Library and Business Resource Center, 1379 Paterson Plank Rd., Secaucus 07094 * Bukas po mula 7 n.u. hanggang 7 n.g. ET, mula Lunes hanggang Biyernes; Bukas mula 9 n.u. hanggang 4 n.h. tuwing Sabado; at Bukas mula 9 n.u. hanggang 2 n.h. tuwing Linggo   * HUNTERDON COUNTY: Union Fire Company #1, 230 N. Main St., Lambertville 08530 * * Bukas mula 7 n.u. hanggang 7 n.g. ET, mula Lunes hanggang Biyernes; Bukas mula 8 n.u. hanggang 5 n.h. tuwing Sabado at Linggo * BERGEN COUNTY: Ciarco Learning Center, 355 Main St., Hackensack 07652 * * Bukas mula 7 n.u. hanggang 7 n.g. ET, mula Lunes hanggang Sabado; SARADO po tuwing Linggo * MERCER COUNTY: Hollowbrook Community Center, 320 Hollowbrook Drive, Trenton 08638 * * Bukas mula 7 n.u. hanggang 7 n.g. ET, mula Lunes hanggang Biyernes; Bukas mula 8 n.u. hanggang 5 n.h. tuwing Sabado at Linggo * MIDDLESEX COUNTY: Middlesex Fire Academy, 1001 Fire Academy Drive, Cafeteria B, Sayreville 08872 * * Bukas mula 7 n.u. hanggang 7 n.g. ET, mula Lunes hanggang Biyernes; Bukas mula 8 n.u. hanggang 4 n.h. tuwing Sabado at Linggo * PASSAIC COUNTY: Civic Center, 19 Warren St., Little Falls 07424 * Bukas mula 7 n.u. hanggang 7 n.g. ET, mula Lunes hanggang Biyernes; Bukas mula 8 n.u. hanggang 4 n.h. tuwing Sabado at Linggo * GLOUCESTER COUNTY: Mullica Hill Library, 389 Wolfert Station Road, Mullica Hill 08062 * Bukas mula 7 n.u. hanggang 7 n.g. ET, mula Lunes hanggang Biyernes; Bukas mula 10 n.u. hanggang 5 n.h. Sabado bukas mula 10 n.u. hanggang 5 n.h.; Linggo bukas mula 1 n.h. hanggang 5 n.h. * SOMERSET COUNTY: North End Volunteer Fire Company #3, 169 North 8th Ave., Manville 08835 * Bukas mula 7 n.u. hanggang 7 n.g. ET, mula Lunes hanggang Biyernes; Bukas mula 8 n.u. hanggang 6 n.g. tuwing Sabado at Linggo * UNION COUNTY: Elizabeth O’Donnell Dempsey Senior Community Center, 618 Salem Ave., Elizabeth 07208 * Bukas mula 7 n.u. hanggang 7 n.g. ET, mula Lunes hanggang Biyernes; Bukas mula 8 n.u. hanggang 5 n.h. tuwing Sabado at Linggo   Ang FEMA at NJOEM ay buong-pusong tiyak sa pagtatayo ng mga DRC sa bawat na itanalagang county. Malapit na pong magbukas itong mga himpilan upang makapagbigay serbisyo sa mga nasalanta. Kung kayo po ay mayroong homeowners o renters insurance (seguro sa pagiging may-ari ng bahay o sa pagiging taga-upa), kailangan po ninyong ideklara ang inyong claim (karapatan) sa lalong madaling panahon. Sa ilalim ng batas, hindi maaaring gayahin ng FEMA ang mga benepisyo mula sa pagkawala na sakop ng seguro. Kung kayo po ay may kakulangan sa seguro o walang seguro, maaari kayong makatanggap ng tulong pederal. Ang pinakamabilis at pinakamaling paraan sa pag-aplay ay ang pagbisita sa disasterassistance.gov/ [http://www.disasterassistance.gov/]. Kung hindi kayo maka-aplay sa online, TUMAWAG PO SA 800-621-3362 (TTY: 800-462-7585). Ang mga toll-free na linya ng telepono ay kasalukuyang bukas 24 oras, araw-araw. Kung kayo po ay gumagamit ng serbisyong relay, tulad ng video relay service (VRS), captioned telephone service o iba pa, ibigay ang numero ng serbisyong iyon sa FEMA. Kapag kayo po ay hihingi ng tulong, pakihanda ang mga sumusunod na impormasyon: * Kasalukuyang numero ng telepono kung saan kayo maaaring matawagan * Ang inyong address noong panahon ng sakuna at ang kasalukuyang address ng iyong tirahan * Ang inyong Numero ng Seguridad sa Lipunan, kung mayroon kayo * Kabuuang listahan ng mga pagkasira at pagkawala * Kung may seguro, ang numero ng polisa o pangalan ng ahente at/o ng kumpanya Maaaring maibilang ng Disaster assistance (tulong laban sa sakuna o kalamidad) ang tulong pinansyal para sa pansamantalang tirahan at pagpapaayos ng tahanan kabilang sa mga iba pang programang nagbibigay-tulong sa mga pamilyang makabawi mula sa epekto ng kalamidad. Para sa mga pinakabagong impormasyon, bumisita po sa fema.gov/disaster/4614 [http://www.fema.gov/disaster/4614]. Sundan po ang FEMA Region 2 Twitter account sa twitter.com/FEMAregion2. [https://twitter.com/femaregion2]