MAGBABAGO NG MGA LOKASYON ANG FEMA MOBILE REGISTRATION CENTER SA BAY COUNTY [https://www.fema.gov/tl/press-release/20210318/fema-mobile-registration-center-bay-county-changes-locations] Release Date: October 21, 2020 PENSACOLA, FLA. — Isang FEMA mobile registration center (tanggapan ng pagpaparehistro) sa Bay County ay nagbago ng mga lokasyon, epektibo sa Miyerkules, Oktubre 21, 2020.   The Mobile Registration Intake Center (MRIC) na pinapatakbo sa Bay County Library ay lumipat sa:   SHARON J. SHEFFIELD PARK 901 Ohio Ave., Lynn Haven, FL 32444 Mga Oras: 9 a.m.-6 p.m. araw-araw maliban sa Oktubre 22 at Oktubre 29 (9 a.m.-4 p.m.) Pansamantalang magsasara sa Oktubre 24 at Oktubre 25 Muling magbubukas sa Oktubre 26 at permanenteng magsasara ng 6 p.m. sa Oktubre 30   Ang mga tanggapan ay pinapatakbo sa mga county ng Bay, Escambia, Okaloosa, Santa Rosa at Walton. Ang mga nakaligtas sa sakuna ay maaaring makakuha ng tulong sa pagpaparehistro sa alinman sa mga tanggapan. Mga Lugar   ESCAMBIA COUNTY MARIE YOUNG WEDGEWOOD COMMUNITY CENTER, 6405 Wagner Rd., Pensacola, FL 32505 Mga Oras: Araw-araw 9 a.m.-6 p.m.   LEXINGTON TERRACE COMMUNITY CENTER, 700 S. Old Corry Rd., Pensacola, FL 32507 Mga Oras: Araw-araw 9 a.m.-6 p.m.   ESCAMBIA COUNTY EQUESTRIAN CENTER, 7750 Mobile Highway, Pensacola, FL 32526 Mga Oras: Araw-araw 9 a.m.-6 p.m.   OKALOOSA COUNTY NORTHWEST FLORIDA FAIRGROUNDS, 1958 Lewis Turner Blvd, Fort Walton Beach, FL 32547 Mga Oras: Araw-araw 9 a.m.-6 p.m.   SANTA ROSA COUNTY PENSACOLA STATE COLLEGE, 5988 U.S. 90, Milton, FL 32583 Mga Oras: Araw-araw 9 a.m.-6 p.m.   WALTON COUNTY FREEPORT REGIONAL SPORTS COMPLEX 563 Hammock Trail East, Freeport, FL 32439 Mga Oras: Araw-araw 9 a.m.-6 p.m. Mga araw ng operasyon: Oktubre 18-Oktubre 22   BOYS AND GIRLS CLUB OF THE EMERALD COAST 427 Greenway Trail, Santa Rosa Beach, FL 32459 Mga Oras: Araw-araw 9 a.m.-6 p.m. Mga araw ng operasyon: Oktubre 23-Oktubre 28   Ang mga tanggapan ay pinapatakbo nang alinsunod sa mga protokol para sa COVID-19 upang matiyak na ligtas ang mga bumibisita at tauhan ng FEMA. Iniaatas ang pagdidistansya at mga pantakip sa mukha.   Hindi kinakailangang bumisita sa tanggapan upang magparehistro sa FEMA. Ang mga nakaligtas sa sakuna na may pagkaluging hindi saklaw ng insurance ay maaari ring mag-apply sa pamamagitan ng: * Pagbisita sa DisasterAssistance.gov [http://disasterassistance.gov/]; * I-download ang App ng FEMA; o sa pamamagitan ng * Pagtawag sa 800-621-3362 (800-462-7585 TTY). Mayroong mga operator para sa iba’t ibang wika. Ang mga walang bayad na pagtawag ay bukas mula 7 a.m. hanggang 10 p.m. lokal na oras, ng pitong araw sa isang linggo. Ang mga gumagamit ng relay na serbisyo gaya ng videophone, InnoCaption o CapTel ay dapat bigyan ang FEMA ng kanilang partikular na numero ng telepono na itinalaga sa serbisyong iyon.   Ang itinakdang huling araw ng pagpaparehistro para sa pederal na tulong ay sa DISYEMBRE 1, 2020.   Ang mga sumusunod na impormasyon ay kinakailangan kapag ikaw ay magpaparehistro: * Address ng nasirang tirahan kapag nagkaroon ng pagkasira (address bago ang sakuna) * Kasalukuyang address na pangkoreo * Kasalukuyang numero ng telepono * Impormasyon sa Insurance * Kabuuang taunang kita ng sambahayan * Routing at account number para sa checking o savings account (pinahihintulutan nito ang FEMA na direktang ilipat ang mga pondo ng tulong na pansakuna sa account sa bangko) * Isang paglalarawan ng pagkasira at pagkalugi na dulot ng sakuna