NAGTUTULUNGAN ANG FLORIDA AT ANG FEMA UPANG MAPALAGANAP ANG MATATAG NA KOMUNIDAD SA PAMAMAGITAN NG GRANT GALING SA PROGRAMA NG MITIGASYON PARA SA PANGANIB [https://www.fema.gov/tl/press-release/20230502/fact-sheet-florida-and-fema-partner-promote-community-resilience-through] Release Date: Nobyembre 29, 2018 Isa sa importanteng pinanggagalingan ng federal na tulong para sa sakuna ay ang Grant galing sa Programa ng Mitigasyon para sa Panganib ng FEMA. Ang pondo galing sa HMGP ay maaaring maging  abeylabol pagktapos ang deklarasyon ng presidente ng malaking sakuna. Pinapalakas ng dolyares galing sa HMGP ang mga komunidad sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga gusali, pasilidad, at inprastraktura na ginagamit ng mga mamamayan araw-araw. _Napag-alaman ng isang_ 2018 na ulat galing sa Pambansang Institusyon ng Siyensa para sa mga Gusali na kada isang dolyar na nailaan sa mitigasyon para sa panganib ay nakatulong makabawas ng mahigit sa anim na dolyar para sa gastos sa rekaberi at muling pagpapatayo ng mga napinsalang gusali.   * Ang mga layunin ng HMGP ay:         * Iwasan ang pagkawala ng buhay at pinsala sa pag-aari dahil sa mga sakuna. * Ipalaganap ang mga plano ng estado at loka para sa programa ng mitigasyon. * Magawa ang mga hakbang na kailangan ipalaganap sa panahon ng pangmadaliang rekaberi. * Magbigay ng pondo sa mga dati nang kinilala na mga hakbang para sa mitigasyon na makakatulong sa lugar ng sakuna.   * Kadalasan, maaaring magbigay ang HMGP ng aabot sa 15 porsyento ng kabuoan ng grant galing sa FEMA para sa sakuna sa isang estado, tribo, o teritoryo. Ang mga estado kagaya ng Florida na may mas mataas na batayan para sa pagplaplano para sa mitigasyon ay maaaring maka-kwalifay para sa mas mataas na porsyento.   * Ang Florida ay may Mataas na Plano para sa Mitigasyon na inaprobahan ng FEMA, kaya elijibol ang estado para sa pondo galing sa HMGP na hindi hihigit sa 20 porsyento ng tansya para sa kabuoang halaga ng pera na ginastos ng FEMA para sa mga grants para sa sakuna para sa Bagyong Michael. Galing sa halagang ito, babayarang muli ng HMGP ang estado ang 75 porsyento ng mga elijibol na gastos para sa mga proyekto ng mitigasyon. Ang natitirang halaga ay manggagaling sa ibang pagmumulan kagaya ng mga aset ng mga estado at lokal at kombinasyon ng pera o in-kind na mga mapanggagalingan.   * Ang Dibisyon ng Florida ng Pamahalaan para sa mga Kagipitan (FDEM) ang nangangasiwa ng  HMGP. Pinapakalat ng FDEM ang mga pondo sa mga elijibol na mga aplikante sa tatlong-tier na sistema, kung saan ang mga idineklara na mga county ay nasa dalawang pinaka-mataas na tier at nasa pinakamababang tier ang mga county na hindi kasali sa deklarasyon.    * Sa Florida, maaaring sumali sa mga Nagtratrabahong Grupo para sa Lokal na Stratehiya ng Mitigasyon ng Florida (LMS), upang kilalanin, mamili, mag-ranggo, at magsumite ng mga proyekto na elijibol para sa mitigasyon sa estado.   * Ang mga pondo galing sa HMGP  ay nakakatulong sa lahat ng mamamayan sa komunidad sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto kabilang na ang mga konstraksyon na mas mataas sa kasalukuyang  mga istandard para sa pagpapatayo ng gusali, pagpapaganda ng mga tahanan, at pagpapatayo ng mga ligtas na mga kwarto.   Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.floridadisaster.org/DEM/Mitigation [https://www.floridadisaster.org/DEM/Mitigation].   ###