MAY MAGAGAMIT NA TULONG PARA SA SHELTER AT AGARANG TULONG PAGKATAPOS NG BAGYONG HARVEY [https://www.fema.gov/tl/press-release/20210317/sheltering-and-immediate-assistance-available-after-hurricane-harvey] Release Date: Agosto 30, 2017 Washington –Habang patuloy ang pananalasa sa silangang Texas at timog-kanlurang Louisiana ang Bagyong Harvey, nananatiling priyoridad ng mga lokal na tumutugon, opisyal ng Texas, Pederal na Ahensiyang Tagapamahala ng Emergency o Federal Emergncy Management Agency (FEMA), at ng buong pamilyang pederal ang kaligtasan ng buhay at access sa mga ligtas na shelter. Bukas sa buong apektado at nakapaligid na lugar ang mahigit sa 230 shelter. I-download ang FEMA mobile app (nasa Ingles at Kastila) para sa mga direksyon patungo sa mga bukas na shelter, impormasyon ng pagpaparehistro, tip para makaligtas sa sakuna, at mga alertong pampanahon mula sa Pambansang Serbisyong Pampanahon o National Weather Service. Habang priyoridad ng FEMA at ng aming mga kasosyo ang mga agarang operasyon para sa pagliligtas at pagsusustena ng buhay, maaari nang mag-apply para sa tulong sa pamamagitan ng pagrehistro sa online sa www.DisasterAssistance.gov [http://www.DisasterAssistance.gov] ang mga nasalantang naninirahan at may-ari ng negosyo sa mga itinalagang county dahil sa Bagyong Harvey, kung magagawa na nila ito. Pagparehistro sa online ang pinakamabilis na paraan upang makapagrehistro para sa tulong ng FEMA dahil tatagal nang ilang araw ang pangyayaring ito, at maaaring hindi makikita ang kabuuan ng pananalasa hangga’t hindi lumilipas ang bagyo. Kung wala kayong access sa internet, maaaring magparehistro sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-621-3362 o 1-800-462-7585 (TTY). Kung gumagamit kayo ng 711 relay o Video Relay Service (VRS), tumawag nang direkta sa 800-621-3362. Gumagana ang mga libreng numero ng telepono magmula ika-6 n.u. hanggang ika-10 n.g. (lokal na oras), pitong araw sa isang linggo, hangga’t hindi ito binabago sa pamamagitan ng anunsiyo. Para sa mga nakaligtas na nagparehistro na, may magagamit na tulong para sa pamamahay nang maikling panahon at iba pang mga agarang pagpopondo: • Inaprubahan ang Tulong sa Pantawid na Pabahay o Transitional Sheltering Assistance (TSA) sa Texas para sa mga kwalipikadong nakaligtas sa sakuna na patuloy na nangangailangan ng pabahay dahil hindi sila makabalik nang matagalang panahon sa kanilang mga bahay. Nilalayon ng inisyatibong ito ang magbigay ng lodging na pangmaikling panahon sa mga kwalipikadong nakaligtas sa sakuna mula sa mga komunidad na hindi matirhan o hindi ma-access dahil sa pagkasirang nauugnay sa sakuna. Makikipag-ugnay sa inyo ang FEMA kung kayo ay kwalipikado sa programa. Makakakuha ng listahan ng mga available na tirahan sa ilalim ng programang ito sa www.femaevachotels.com [http://www.femaevachotels.com]. • Inaprubahan din sa Texas ang Dalawang Buwan ng Pinabilis na Tulong para sa Upa para sa mga kwalipikadong nakaligtas. Dahil sa laki ng sakuna, gumagamit ang FEMA ng data tungkol sa lalim ng pagbaha sa baybay at linya ng ilog upang makilala ang mga nasirang bahay at nang sa gayo’y makakuha agad ng pondo ang mga nakaligtas, at makapag-umpisang magdesisyon sila tungkol sa mga pansamantalang solusyon sa kanilang pamamahay. • Mga Paunang Bayad ng Pambansang Programa para sa Segurad na Pambaha o National Flood Insurance Program (NFIP) Advance Payments. Kung may insurance para sa baha (NFIP flood insurance) ang isang nakaligtas at ang salanta ay dahil sa mga kamakailang baha na nauugnay sa Bagyong Harvey, maaaring kwalipikado siyang makatanggap ng hanggang sa $5,000 para sa mga pagkasira sa gusali at mga laman nito bago ito siyasatin ng adjuster, sa pamamagitan ng pinirmahang sang-ayunan sa hinihiling na paunang bayad. Kung may mga litrato at resibo na nagpapatotoo sa mga gastusing out-of-pocket ang may-hawak ng polisa, maaaring makatanggap siya ng paunang bayad na maaaring umabot sa $10,000. Kung nasuri na ng adjuster ng insurance ng baha ang isang pagkawala, at may di-hamak na pagkasira ang ari-arian ng may-hawak ng polisa, at mayroon silang kopya ng pagtatantiya ng kontratista, maaari silang makatanggap ng mas malaking paunang bayad para sa tinatantiyang nasasaklaw na pagkawala. Anumang paunang bayad ay ibabawas mula sa pinal na hinihiling na pagbabayad. • Maaari nang makakuha ng Tulong para sa Kritikal na Pangangailangan o Critical Needs Assistance (CNA) ang mga indibiduwal at sambahayan na, dahil sa sakuna, ay may pangangailangang agaran o kritikal dahil sila ay napaalis mula sa kanilang pangunahing tahanan. Kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga sumusunod ang agaran o kritikal na pangangailangan: tubig, pagkain, first aid, may-resetang gamot, pormula para sa sanggol, diaper, mga suplay na pangmedikal na nauubos, matitibay na gamit na pangmedikal, mga bagay na gamit sa sariling kalinisan, at gasolina para sa sasakyan. Pang-isang beses at limitadong bayad sa bawat sambahayan para sa mga kwalipikadong aplikanteng nagparehistro para sa tulong ng FEMA ang CNA. • Available ang Tulong sa Pagkawala ng Trabaho Dahil sa Sakuna o Disaster Unemployment Assistance para sa mga naininirahan sa Texas na may mga trabahaong naapektuhan ng Bagyong Harvey. Partikular na tinutukoy ang mga taong nakatira o nagtatrabaho sa mga county na kabilang sa mga idineklarang county ng malaking sakuna. Maaaring kabilang dito ang mga taong hindi kadalasang kwalipikado sa mga benepisyo ng pagkawala ng trabaho o unemployment benefits, gaya ng mga taong nagtatrabaho para sa sarili (self-employed) at mga nagtatrabaho sa bukid. Maaari silang mag-apply para sa mga benepisyo sa pagkawala ng trabaho (unemployment benefits) sa online sa: https://apps.twc.state.tx.us/UBS/security/logon.do. • Maaaring available para sa mga naninirahan sa Texas ang Agarang Relyebo para sa Forecolosure o Immediate Foreclosure Relief mula sa Kagawaran ng Pamamahay at Paglilinang ng Urbano o Department of Housing and Urban Development (HUD) Nagbibigay ang HUD ng 90 araw na moratorium sa mga foreclosure at pagpapaliban sa foreclosure para sa mga may mortgage ng bahay na nakaseguro sa Pederal na Pamahalaan ng Pabahay o Federal Housing Administration (FHA). May tinatantiyang 200,000 may-ari ng bahay na naka-insure sa FHA ang nakatira sa mga naapektuhang county na maaaring kwalipikado para rito. Nag-aalok din ang HUD ng pangmatagalang tulong para sa panunumbalik sa mga nakaligtas at naapektuhang komunidad. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Website ng HUD. Maaaring kasama rin sa tulong ng FEMA ang mga grant para sa panandaliang pabahay, pagpapaayos ng bahay at hindi nakasegurong (uninsured) pagkawala ng ari-arian. Maaaring available din ang mga pautang mula sa Tagapamahala ng Maliliit na Negosyo o Small Business Administration (SBA) para sa pagpapaayos sa mga pagkasira sa inyong bahay o negosyo at pagpapalit sa personal na pagmamay-ari na may kaugnayan sa baha. Nagbibigay ang SBA ng mga pautang na pangsakuna hanggang sa $200,000, na may mababang interes para sa pagpapaayos ng pangunahing tirahan, hanggang sa 40,000 para sa mga may-ari ng bahay at nangungupahan upang mapalitan ang mga personal na pag-aari, at hanggang sa $2 milyon para sa mga negosyo at karamihan sa mga non-profit na pribado para sa pisikal na pagkasira at pagkawalang pang-ekonomiko bilang resulta ng sakuna. Kailangan munang magparehistro ng mga nakaligtas sa FEMA upang maitalaga ang kanilang kwalipiksyon para sa anumang tulong na pederal na maaaring magamit. Para sa karagdagang ipormasyon tungkol sa mga mapagkukunan sa panunumbalik sa mga estadong naapektuhan ng Bagyong Harvey, bisitahin ang www.fema.gov/hurricane-harvey [http://www.fema.gov/hurricane-harvey]. # # # Sundan ang FEMA sa online sa www.fema.gov/blog [http://www.fema.gov/blog], www.twitter.com/fema [http://www.twitter.com/fema], www.twitter.com/femaspox [http://www.twitter.com/femaspox], www.facebook.com/fema [http://www.facebook.com/fema] at www.youtube.com/fema [http://www.youtube.com/fema]. Sundan din ang mga aktibidad ni Administrador Brock Long sa www.twitter.com/fema_brock [http://www.twitter.com/fema_brock]. Para lamang sangguinian ang mga link ng social media na ibinibigay. Hindi ine-endorse ng FEMA ang anumang website, kompanya o aplikasyon na hindi pag-aari ng gobyerno. Adhikain ng FEMA ang sumuporta sa mga mamamayan at unang tumutugon upang masigurado na sama-sama tayong kumikilos bilang isang bansa sa pagbubuo, pagtataguyod at pagpapabuti ng ating kakayahan sa paghahanda para sa, pagpoprotekta laban sa, pagtugon sa, pag-ahon mula sa, at pagbabawas ng, lahat ng panganib.