Naghahandog ang FEMA ng mga Libreng Tips sa Muling Pagpapatayo sa mga Lokal na Home Improvement Store (Tindahan para sa Pagpapabuti ng Tirahan)

Release Date Release Number
DR-4466-TX NR 029
Release Date:
Disyembre 9, 2019

AUSTIN, Texas – Ang mga nakaligtas sa sakuna na apektado ng malalakas na bagyo at mga pagbaha mula sa bagyong Imelda ay maaaring bumisita sa mga lokal na home improvement store (tindahan para sa pagpapabuti ng tirahan) sa Katy, Houston at Spring mula Lunes, Disyembre 9 hanggang Sabado, Disyembre 14, para sa mga tips sa muling pagpapatayo mula sa mga eksperto sa pagpapahupa ng pinsala. Ang mga espesyalista sa pagpapahupa ng pinsala mula sa Federal Emergency Management Agency (FEMA, Pederal na Ahensya sa Pamamahala ng Emerhensya) ay naroroon para sagutin ang mga tanong tungkol sa pagkukumpuni sa tahanan, pagbuo ng plano para sa sakuna, pagtitipun-tipon ng mga supply kit at kahalagahan ng insurance sa baha.

 

Makakakuha ng tulong sa mga sumusunod na lokasyon:

 

HARRIS COUNTY

Lowe’s

9505 Spring Green Blvd.

Katy, TX 77494

Lunes – Sabado, mula 8 a.m. hanggang 6 p.m.

 

Home Depot

5445 West Loop

Houston, TX 77081

Lunes – Sabado, mula 8 a.m. hanggang 6 p.m.

 

Home Depot

6810 Gulf Freeway

Houston, TX 77087

Lunes – Sabado, mula 8 a.m. hanggang 6 p.m.

 

Lowe’s

20201 N. IH 45

Spring, TX 77388

Lunes – Sabado, mula 8 a.m. hanggang 6 p.m.

 

Ang mga karagdagang kaganapan para sa pagpapahupa ng pinsala ay gaganapin sa mga home improvement store (tindahan para sa pagpapabuti ng tirahan) sa mga county ng Texas na naapektuhan ng sakuna sa mga susunod na linggo.

 

 

 

 

Subaybayan ang FEMA online sa https://twitter.com/FEMARegion6,  www.fema.gov/blog, www.twitter.com/fema, www.twitter.com/FEMAespanol, www.facebook.com/fema, www.facebook.com/FEMAespanol and www.youtube.com/fema

 

###

 

Misyon ng FEMA: Tulungan ang mga mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.

 

Ang tulong para sa pagbangon mula sa sakuna ay maaaring makuha nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Kung ikaw o ang sinumang kilala mo ay nakaranas ng diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libre sa 800-621-3362, voice/VP/711. Mayroong mga operator na nagsasalita sa iba’t ibang wika. Maaaring tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa 800-462-7585.

 

Ang Small Business Administration (Pangasiwaan para sa Maliliit na Negosyo) ng Estados Unidos ay ang pangunahing pinagmumulan ng pondo ng pederal na pamahalaan para sa pangmatagalang muling pagpapatayo ng mga pribadong ari-ariang nasalanta ng sakuna. Tinutulungan ng SBA ang mga negosyo, anuman ang laki, pribadong organisasyong hindi pangkalakal, may-ari ng tirahan at umuupa sa pagpopondo ng mga pagkukumpuni at mga pagsisikap sa muling pagpapatayo at sinasagot ang gastos sa pagpapalit sa personal na ari-ariang nawala o nasira ng sakuna. Para sa higit pang impormasyon, maaaring makipag-ugnay ang mga aplikante sa Disaster Assistance Customer Service Center (Tanggapan ng Serbisyo sa Kostumer para sa Tulong sa Sakuna) ng SBA sa 800-659-2955. Maaaring ring tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa 800-877-8339. Maaari ring mag-email ang mga aplikante sa disastercustomerservice@sba.gov o bisitahin ang SBA sa www.SBA.gov/disaster .

 

Tags:
Huling na-update