Ang mga Nag-uupa na Humaharap ng Ebiksyon sa Florida ay Maaaring Makatanggap ng Federal na Tulong

Release Date Release Number
R4-DR-4399-FL NR 035
Release Date:
Nobyembre 7, 2018

TALLAHASSEE, Fla. – Ang mga nag-uupa sa Florida na humaharap ng ebiksyon o pina-ebik sa kanilang inuupahan na bahay o apartment na napinsala ng bagyo—maski nasira ang kanilang tinitirihan o hindi—ay maaaring makatanggap ng tulong para sa sakuna galing sa FEMA.

 

Maraming paraan upang makapagrehistro para sa tulong para sa sakuna: 

  • Mag-online at bumisita sa  DisasterAssistance.gov
  • Tawagan ang FEMA sa 800-621-3362 (boses, 711 or VRS) o 800-462-7585 (TTY) kahit anong oras simula 7 a.m. hanggang 11 p.m. sa lokal na oras pitong araw kada linggo. May abeylabol na mga operaytor para sa iba’t ibang wika.
  • Bumisita sa rekaberi senter para sa sakuna. Ang mga nakaligtas na mamamayan ay maaaring bumisita sa kahit aling senter upang makatanggap ng one-on-one na tulong. Upang makahanap ng senter, pumunta sa fema.gov/drc 

 

Ang mga nag-uupa na nakaregistro na para sa federal na tulong at saka pina-ebik dahil sa pinsala sa ibang bahagi ng kanilang kompleks ay dapat idala ang notis ng ebiksyon sa isang rekaberi senter. 

 

Ang mga nakaligtas na mamamayan na hindi kayang magbayad ng abogado ay maaaring tumawag sa Hotlayn ng Bar ng Florida para sa mga Sakuna sa (866) 550-2929.  Humanap ng mas maraming impormasyon sa  floridabar.org/public/consumer/hurricaneinfo

 

Ang mga nag-uupa at mga may-ari ng tahanan na nawalan ng tirahan sa mga county ng Bay, Gulf, at Jackson na nangangailangan ng ligtas na matitirahan habang naghahanap ng matitirahan na pang mas matagalang tirahan ay maaaring maging elijibol para sa pansamantalang matitirahan na babayaran ng FEMA. Bisitahin ang DisasterAssistance.gov 

 

Maaaring makatanggap ng mga grant ang mga umuupa galing sa FEMA upang makatulong sa mga gastusin na dahil sa sakuna, kagaya ng:

  • Umuupa ng bahay dahil ang dating bahay na nirerentahan ay hindi na ligtas na tirahan dahil sa pinsala o dahil ang kanilang apartment kompleks ay kasalalukuyang kinukumpuni.
  • Pambayad sa paglilipat at pag-iimbak.
  • Pangpakumpuni o pangpalit ng mga sasakyan na napinsala dahil sa sakuna
    Lahat ng nakatanggap ng tulong para sa upa galing sa HUD ay maaaring makatanggap ng tulong galing sa FEMA para sa pambayad para sa matitirahan hanggang:
  • Makabalik sila sa tirahang pampubliko.
  • Makabalik sila sa kanilang pribadong tirahan na nagbibigay ng tulong para sa HUD.
  • Pumirma sila ng kasulatan para umupa ng tirahan sa may-ari ng pribadong pag-aari gamit ang Seksyon 8 na voucher.
     

Kapag bumalik ang nakaligtas sa kanilang tirahan na may tulong ng HUD o pumirma ng bagon kasulatan para umupa ng tirahan sa ilalim ng programa ng Seksyon 8, magpapatuloy ang tulong galing sa HUD. Pagdating sa puntong ito, ang nakaligtas na mamamayan ay hindi na maaaring makatanggap ng tulong galing sa FEMA.

Ang mga grant na ito ay hindi utang at hindi na kelangan bayaran pa. Hindi ito mabubuwisan na kita at hindi makakaapekto sa elijibiliti para sa Sosyal Sekuriti, tulong para sa welfayr, at Programa para sa Suplemental na Tulong para sa Nutrisyon (SNAP) na benepisyo at marami pang ibang programa. 

Ang deklarasyon ng presidente para sa sakuna para sa Bagyong Michael ay nagtalaga ng 12 na mga county para sa Tulong Pang-indibidwal. Bay, Calhoun, Franklin, Gadsden, Gulf, Holmes, Jackson, Leon, Liberty, Taylor, Wakulla at Washington.

 

Nais ng FEMA na lahat ng nakaligtas sa sakuna ay may patas na pagkakataon upang maintindihan ang mga impormasyon at tulong para sa sakuna. Ang mga umuupa na bingi o nahihirapan makarinig ay maaaring panoorin ang [bidyo tungkol sa mga abeylabol na tulong:  AbeylabolNaTulongGalingSaFEMA .

 

 

###

 

Misyon ng FEMA: Tulongan ang mga mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.

Para sa lista ng mga lokasyon kung saan maaaring makakuha ng mga komoditi (tubig, pagkain, etc.), bumisita www.floridadisaster.org/info

Para sa impormasyon tungkol sa rekaberi para sa Bagyong Michael, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4399.

 

Sundin ang FEMA at ang Dibisyon ng Florida para sa Pamamahala ng Kagipitan sa Twitter sa @FEMARegion4 and @FLSERT. Maaari din bisitahin ang FEMA at ang mga Facebook peyg ng Dibisyon sa Facebook.com/FEMA and Facebook.com/FloridaSERT.

 

 

Tags:
Huling na-update