Paano Mag-Apply para sa Pagpapatuloy ng Tulong sa Paupa mula sa FEMA

Release Date:
Oktubre 13, 2021

Maaaring magbigay ng tulong-pinansyal ang FEMA sa mga residente ng mga County ng Bergen, Essex, Gloucester, Hudson, Hunterdon, Mercer, Middlesex, Morris, Passaic, Somerset, Union at Warren na kailangan ng pansamantalang pabahay sapagkat sila ay lumikas mula sa kanilang pangunahing tahanan dulot ng mga pag-ulan at pagbaha mula sa epekto ng Bagyong Ida.

Kung ikaw ay nakatanggap ng paunang bigay na tulong sa paupa ng FEMA, ang FEMA ay maaaring magbigay ng Continued Temporary Housing Assistance (Pagpapatuloy ng Pansamantalang Tulong sa Pabahay) sa mga karapat-dapat na mga aplikante base sa pangangailagan at kadalasan lamang kapag ang sapat, alternatibong pabahay ay hindi makukuha, o kung hindi ka makabalik sa iyong pangunahing tahanan. Nagpapadala ng paalala ang FEMA sa koreo sa mga tahanan pagkatapos nilang makatanggap ng kanilang paunang bigay para sa tulong sa paupa. Kung hindi mo natanggap ang paalala at aplikasyon, tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362 (TTY: 800-462-7585) upang humiling ng aplikasyon. Mahalaga na mayroon ang FEMA ng iyong kasalukuyang impormasyon para sa pakikipag-ugnayan. Ang mga umuupa ay dapat tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA upang malaman ang pagiging karapat dapat.

Ang aplikasyon ay dapat na may kasamang mga sumusuportang mga dokumento:

  • Katayuan ng kita ng pamamahay bago ang sakuna at sa kasalukuyan
  • Mga kopya ng upa, mga singil sa paggamit (utility), seguro para sa umuupa bago ang sakuna
  • Kopya ng kasalukuyang upa o kasunduan sa paupa na napirmahan mo at ng may-ari ng tirahan
  • Mga resibo sa upa, nakanselang mga tseke o money order na nagpapakita na ginamit ang tulong sa paupa upang bayaran ang mga gastusin sa pabahay.
  • Ang pagpapatuloy ng pansamantalang pangangailangan ng pabahay ay dapat na nakadokumento, at ang aplikante ay dapat magpatuloy magtrabaho tungo sa pagkakaroon ng permanenteng pabahay upang maging karapat-dapat para sa Pagpapatuloy ng Pansamantalang Tulong sa Pabahay.

Pwede mong ibigay ang mga dokumentong ito sa FEMA sa mga sumusunod na paraan:

  • Gumawa ng account sa DisasterAssistance.gov (I-click ang “Check Status” sa Home Page at sundin ang mga tagubilin.
  • I-upload sa pamamagitan ng FEMA App para sa mga smartphone
  • Ipadala sa koreo sa FEMA National Processing Service Center, P.O. Box 10055, Hyattsville MD 20782-7055
  • I-fax sa 800-827-8112, Attention: FEMA
Tags:
Huling na-update