Ang Pinsala mula sa Hurricanes Ian at Nicole ay Nangangailangan ng Magkahiwalay na Aplikasyon ng FEMA

Release Date:
December 19, 2022

Kapag ang dalawa o higit pang mga sakuna ay idineklara sa parehong estado, tinitiyak ng FEMA na matatanggap ng mga nakaligtas ang lahat ng karapat-dapat na tulong habang pinipigilan ang pagdoble ng mga pederal na benepisyo. Ang isang paraan upang makamit ito ng ahensya ay ang nangangailangan ng hiwalay na aplikasyon para sa bawat kalamidad. Kung mayroon kang pinsala o pagkawala ng ari-arian mula kay Ian at pagkatapos ay natanggap muli ito bilang resulta ni Nicole, kakailanganin mong kumpletuhin ang dalawang magkahiwalay na aplikasyon para sa tulong sa kalamidad.

Upang maisaalang-alang para sa tulong sa sakuna bilang resulta ng Hurricane Nicole, ang iyong pangunahing tirahan ay dapat na matatagpuan sa mga counties ng Brevard, Flagler, Lake, Putnam, St. Johns o Volusia.

  • Ang pinsala o pagkawala ng ari-arian na iyong kine-claim para kay Ian ay dapat na dulot ni Ian at ang pinsala o pagkawala na iyong kine-claim para kay Nicole ay dapat na dulot ni Nicole. Ang pag-claim ng parehong pinsala sa bagyo para sa bawat bagyo ay tinatawag na Pagdoble ng mga Benepisyo at ito ay labag sa batas.
    • Kapag dinedetermina ang halaga ng pederal na tulong sa sakuna na maaaring maging karapat-dapat ang isang aplikante, ibe-verify ng FEMA na walang of Pagdoble ng mga Benepisyo. Kung nakatanggap ka ng tulong sa sakuna at ito ay natukoy sa kalaunan na isang Duplikasyon ng mga Benepisyo hihilingin ito sa iyo na bayarang muli ang tulong na iyong natanggap.
  • Kung mayroon kang mga rekord upang idokumento ang mga pinsalang dulot ng Hurricane Ian, itago ang mga ito sa isang ligtas na lugar. Magsimula ng bagong file para sa iyong mga resibo na may kaugnayan sa mga gastos na dulot ng Hurricane Nicole.
  • Ang mga halimbawa ng mga items na maaaring magbigay ang FEMA ng tulong pinansyal upang ayusin o palitan, bilang resulta ng mga bagyo ay katulad ng:

      • Mga Bintana, pintuan, sahig, dingding, kisame, cabinets.
      • Septic system, pribadong balon, heating, ventilation at air-conditioning system (HVAC), mga pribadong kalsada at tulay.
    • Sa ilang mga kaso, mga appliances at transportasyon.
  • Siguraduhing panatilihin ang insurance settlement o impormasyon ng denial para sa bawat bagyo
  • Lahat ng pinsalang dulot ng sakuna ay napatunayan sa pamamagitan ng paghahambing ng mga ulat ng inspeksyon ng FEMA, iyong mga sulat ng apela, at mga dokumentong isinumite upang suportahan ang iyong apela, kabilang ang mga pagtatantya at mga resibo.

Mga Aplikante na may Pinsala sa kanilang Pangunahing Tahanan at sa kanilang Pansamantalang Pabahay

  • Makikipag-ugnayan ang FEMA sa mga may-ari ng bahay na nagre-report ng karagdagang pinsala o pagkawala sa kanilang pangunahing tahanan at mayroon ding pinsala o pagkawala sa pansamantalang tirahan kung saan sila lumipat dahil kay Ian.
  • Ang mga may-ari ng bahay na naapektuhan ni Nicole sa kanilang bagong pansamantalang lokasyon ng pabahay ay dapat mag-apply para sa anumang mga pinsala sa kanilang bagong address.
    • Ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan ay may hanggang Enero 12, 2023, upang mag-apply para sa pagkawala o pinsala ng ari-arian na dulot ng Hurricane Ian; ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan ay may hanggang Peb.13, 2023 para mag-apply para sa pagkawala o pinsala ng ari-arian na dulot ng Hurricane Nicole.
  • Ang mga umuupa na nagre-report ng karagdagang pinsala sa personal na ari-arian dahil sa Hurricane Nicole ay dapat mag-apply gamit ang address ng kanilang tinitirhan noong panahon ng ikalawang insidente.

Paano Mag-apply para sa Tulong ng FEMA

Mayroong ilang mga paraan upang mag-apply: Mag-online sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang FEMA app for smartphones o tumawag sa 800-621-3362. Ang mga tawag ay tinatanggap araw-araw mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET. Available ang tulong sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, gaya ng video relay (VRS), teleponong may caption o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon. Para matingnan ang isang naa-access na bidyo tungkol sa kung paano mag-apply bisitahin ang: Three Ways to Register for FEMA Disaster Assistance - YouTube.

Kung mayroon kang insurance para sa pagmamay-ari ng bahay, umuupa o sa baha, dapat kang maghain ng claim sa lalong madaling panahon. Bagama't hindi maaaring madoble ng FEMA ang mga benepisyo para sa mga pagkawala na sakop ng insurance. Kung hindi saklaw ng iyong policy ang lahat ng iyong mga gastos sa sakuna, maaari kang maging karapat-dapat para sa tulong ng pederal.

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbangon ng Florida mula sa Hurricane Nicole, bisitahin ang floridadisaster.org/info at fema.gov. I-follow ang FEMA Region 4 (@femaregion4) / Twitter at ang facebook.com/fema.

###

Tags:
Huling na-update noong