Kailangan ko bang maging isang mamamayan ng U.S. upang maging karapat-dapat para sa tulong?

Upang maisaalang-alang para sa tulong sa sakuna mula sa FEMA, dapat ay isa ka sa mga sumusunod:

  • Mamamayan ng U.S.
  • Taumbansang hindi mamamayan
  • Kwalipikadong hindi mamamayan

Isang kwalipikadong hindi mamamayan:

  • Legal na permanenteng residente (holder ng “green card”)
  • Mga hindi citizen na binigyan ng asylum
  • Mga refugee
  • Mga hindi mamamayan na ang katayuan ng deportasyon (nasa katayuan na pinaaalis sa U.S.) at kasalukuyang hinahawakan ng hindi bababa sa isang taon
  • Mga hindi mamamayan na naka-parole sa U.S. ng hindi bababa sa isang taon para sa mga layuning pangkawanggawa o malaking kapakinabangan sa lipunan
  • Mga pumasok sa bansa na Taga-Cuba/Taga-Haiti
  • Mga partikular na hindi mamamayan na nakakaranas ng karahasan o ang kanilang mga asawa o mga anak
  • Mga partikular na biktima ng malulubhang uri ng human trafficking (pagkalakal ng tao), kabilang ang mga taong may visa na “T” o “U”

Kung hindi mo naabot ang mga kinakailangan sa pagkamamamayan, ang sambahayan ay maaari pa ring mag-aplay para sa ilang uri ng tulong na pederal kung:

  • Ang magulang o legal na tagapag-alaga ng menor na bata na isang mamamayan ng U.S., hindi mamamayang nasyonal o kuwalipikadong hindi mamamayan ay mag-a-aplay sa ngalan ng menor na bata, hangga't nakatira sila sa parehong sambahayan. Kailangang mag-aplay ang magulang o legal na tagapag-alaga bilang kasamang aplikante, at ang menor na bata ay kailangang wala pang 18 taong gulang noong nangyari ang sakuna.
Huling na-update noong