Ano ang maaaring kahantungan ng isang "hindi naaprubahan" na desisyon?

Maraming beses, ang isang aplikasyon ay tinutukoy na "hindi naaprubahan" dahil sa isang nawawalang dokumento. Kasama sa mga halimbawa:

  • Kopya ng iyong kaayusan sa seguro na may kinalaman sa pinsalang dulot ng sakuna.
  • Katibayan ng pagkakakilanlan
  • Katibayan ng paninirahan
  • Katibayan ng pagmamay-ari
  • Katunayan na pangunahing tirahan mo ang napinsalang pag-aari nang mangyari ang sakuna.

Ipinapaalam ng FEMA sa lahat ng mga aplikante kung sino ang hindi naaprubahan sa pamamagitan ng sulat. Mangyaring basahin nang mabuti ang liham at isumite ang anumang karagdagang kinakailangang impormasyon ayon sa tagubilin ng liham. Ang liham ay magbibigay ng mga detalye sa mga dokumentong tinatanggap ng FEMA.

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa mga sulat ng FEMA, maaari kang pumunta online sa DisasterAssistance.gov o tumawag sa Pantulong na linya ng FEMA sa 800-621-3362.

Huling na-update noong